Mabuting Balita l Pebrero 14, 2024 – Miyerkules ng Abo  episode artwork

EPISODE · Feb 13, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Pebrero 14, 2024 – Miyerkules ng Abo

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Pebrero 14, 2024 – Miyerkules ng Abo (Pag-aayuno at Abstinensya)     San Cirilo, monghe, at San Metodio, obispo Ebanghelyo: Mt 6:1-6, 16-18 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat na hindi maging pakitantao lamang ang inyong mabubuting gawa. Kung ganito ang gagawin n’yo wala na kayong gantimpala sa inyong Amang nasa Langit. Kaya pag nagbibigay ka ng limos, huwag pahipan ang trumpeta sa unahan gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa sinagoga at sa mga daan; gusto nilang mapuri ng mga tao. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan na sila ng husto. Kaya kung ikaw naman ang magbibigay ng limos, huwag ipaalam sa iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay; at mananatiling lihim ang iyong paglilimos at ang iyong Amang nakakakita sa mga lihim ang siyang gagantimpala sa iyo. Kung mananalangin kayo, huwag n'yong tularan ang mga mapagkunwari. Gustung-gusto nilang tumayo sa mga sinagoga o sa mga daan para manalangin nang nakikita ng marami. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan na sila nang husto. At kung ikaw naman ang mananalangin, pumasok sa iyong silid, isara ang pinto at manalangin sa iyong Ama na kasama mo nang lihim; at ang iyong Ama na nakakakita sa ipinaglilihim ang gagantimpala sa iyo. Pag mag-aayuno kayo, huwag magpakita ng lungkot sa mukha gaya ng mga mapagkunwari. Nagpapakita sila ng lungkot sa mukha para makita ng tao na nag-aayuno sila. Talagang sinasabi ko sa inyo na nagantipalaan na sila nang husto. Kung ikaw naman ang mag-aayuno, maghilamos at ayusin ang sarili sapagkat hindi ka nag-aayuno na pakitantao lamang kundi para sa iyong Amang nakakakita sa lahat. At gagantimpalaan ka ng iyong Amang nakakakita sa lahat ng lihim.”   Pagninilay: Mapagpalang Ash Wednesday, kapatid. Hudyat ito nang apatnapung araw na paglalakbay sa Panahon ng Kuwaresma. Gayunpaman, huwag nating kalilimutan ang higit na hihihingi ng panahon ng kuwaresma: ang makiisa sa paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus.  Tamang tama lamang din, dahil kasabay ng pagdiriwang na ito ay ang pagdiriwang ng Valentine’s Day. Naku, marami ang makakatipid!!! Hahahhahahaha!!! Pero sana huwag nating tipirin ang magdasal, ang magsakripisyo at maging bukas palad na tumulong sa ating kapwa. Ang abo na nasa ating noo, maliban na ito ay paalala na hiram ang buhay, ay maging tanda nawa ng ating tipanan sa Panginoon. Huwag sana itong maging dekorasyon para masabing katoliko ako; sa halip maging tanda nang pagbabalik loob, pagsunod at pagmamahal nang lubos. Amen.    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Feb 13, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Pebrero 14, 2024 – Miyerkules ng Abo

0:00 4:16

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on February 13, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!