Mabuting Balita l Pebrero 18, 2024 – Unang Linggo ng Kuwaresma (B)  episode artwork

EPISODE · Feb 17, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Pebrero 18, 2024 – Unang Linggo ng Kuwaresma (B) 

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Pebrero 18, 2024 – – Unang Linggo ng Kuwaresma (B)                                                Pambansang Linggo ng mga Migrante Ebanghelyo: Mk 1:12-15 Itinulak si Hesus ng Espiritu sa disyerto, at apatnapung araw siyang nanatili sa disyerto. Tinukso siya ni Satanas; kasama niya ang mga hayop, at pinaglingkuran siya ng mga anghel. Pagkadakip kay Juan, pumunta si Hesus sa Galilea. Doon niya ipinahayag ang magandang balita ng Diyos sa pagsasabing “Sumapit na ang panahon; magbagong-buhay at maniwala sa magandang balita; lumapit na nga ang Kaharian ng Langit.”   Pagninilay Ang mga unang salita ng pangunahing tauhan sa isang kuwento ay palaging mahalaga. Sa Mabuting Balita ngayong Unang Linggo ng Kwaresma, narinig natin ang mga unang salita ni Hesus sa Mabuting Balita ni Marcos: “Dumating na ang takdang panahon. Malapit nang maghari ang Diyos! Kaya magsisi na kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan. Paniwalaan ninyo ang Magandang Balita!” (Marcos 1:15). Ang mga salitang ito ay isang paanyaya, na baguhin ang ating mga buhay at sumampalataya sa Magandang Balita. Ito ang hamon sa buong apatnapung araw ng Kuwaresma at, sa katunayan, sa buong buhay natin. Ang "apatnapu" ay isang simbolikong numero upang ipakita ang panahon na sapat para sa radikal na pagbabago. Alam ni Hesus mula sa karanasan, kung ano ang ibig sabihin na matukso ni Satanas, at kung papaano mapagtagumpayan ito. Ang mga tukso ay laging naroroon sa ating Buhay. Kung gusto nating piliin kung ano ang gusto ng Diyos, kailangan nating makinig sa tinig ng Diyos.   Mga kapanalig, ngayong panahon ng Kwaresma, piliin nating pakinggan ang tinig ni Hesus: “Magsisi kayo at talikuran ang kasalanan”.    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Feb 17, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Pebrero 18, 2024 – Unang Linggo ng Kuwaresma (B) 

0:00 4:23

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on February 17, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!