Mabuting Balita l Pebrero 2, 2024 – Biyernes l Ika-4 na Linggo ng Karaniwang Panahon  episode artwork

EPISODE · Feb 1, 2024 · 5 MIN

Mabuting Balita l Pebrero 2, 2024 – Biyernes l Ika-4 na Linggo ng Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Pebrero 2, 2024 – Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Karaniwang Panahon        Ang Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo (ABK) Kapistahan      Pandaigdigang Araw ng mga Namamanata sa Diyos Ebanghelyo: Lk 2:22-40 Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala ang sanggol sa Jerusalem para iharap sa Panginoon--tulad ng nasusulat sa Batas ng Panginoon: Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon. Ngayon, sa Jerusalem ay may isang taong nagngangalang Simeon; totoong matuwid at makadiyos ang taong iyon... Hinihintay niya ang pag papaginhawa ng Panginoon sa Israel at sumasakanya ang Espiritu Santo. Ipinaalam naman sa kanya ng Espiritu Santo na hindi siya mamamatay hangga't hindi niya nakikita ang Mesiyas ng Panginoon. Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pagtutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Hesus para tuparin ang kaugaliang naaayon sa Batas tungkol sa kanya. May isang babaeng propeta , si  Ana na anak ni Panuel na mula sa tribu ng Aser. Matandang Matanda na siya. Pag ka alis ng Bahay sa kanyang Ama, pitong Taon lang silang nag sama ng kanyang asawa. At nag buhay byuda na siya. At Hindi na siya umaalis sa Templo. Araw gabi siyang sumasamba sa Diyos sa Pag aayuno at pananalangin, walongput apat na siya. Sa pag-akyat niya sa sandalling iyon , nagpuri rin siya sa Diyos at nagpahayag tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay sa katubusan ng Jerusalem. Nang matupad na ang lahat ng ayon sa Batas ng Panginoon, umuwi sila sa kanilang bayan, sa Nazaret at Galilea. Lumalaki at lumalakas ang bata; napuspos siya ng karunungan at sumasakanya ang kagandahang-loob ng Diyos.    Pagninilay: Ngayon ay kapistahan ng Pagdadala kay Hesus sa Templo at kasabay nito ang pagdiriwang natin ng World Day of Prayer for the Consecrated Life.  Sa Taong 1997 noong sinimulan ni Pope John Paul II ang pagdiriwang na ito, bilang paghihikayat sa lahat, na ipagdasal ang mga taong tumutugon sa paanyaya ng Panginoon, na italaga ang buong buhay ayon sa espiritwalidad ng bawat kongregasyon at institusyon. Gayunpaman, hamon din ito sa lahat, na italaga ang buhay sa Diyos, may asawa ka man o single.  Sa ating Mabuting Balita, bilang magulang isinakatuparan nina Jose at Maria ang utos ni Moises na ang bawat panganay na batang lalaki ay dadalhin sa templo upang ialay at italaga. Si Hesus ay ang tanda ng pagtatalaga. Siya ang natatanging Anak ng Diyos, na magsisilbing liwanag sa oras ng kadiliman at lakas sa oras ng kahinaan. Siya ang tinutukoy ng maraming mga propeta, na Mesiyas. Naging saksi sa kaganapang ito sina Simeon at Anna. Sila ay tunay na nagalak, nagpasalamat at nagpuri sa Diyos.  Mga kapanalig, tulad nina Maria at Jose, dalhin natin si Hesus sa sanlibutan. Huwag lang ituro kung sino si Hesus. Sa bawat salita at gawa ay ating siyang ipadama, ipakita, iparinig, iparanas ang awa at pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan. Amen.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Feb 1, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Pebrero 2, 2024 – Biyernes l Ika-4 na Linggo ng Karaniwang Panahon

0:00 5:08

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on February 1, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!