Mabuting Balita l Pebrero 21, 2024 – Miyerkules l Unang Linggo ng Kuwaresma episode artwork

EPISODE · Feb 20, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Pebrero 21, 2024 – Miyerkules l Unang Linggo ng Kuwaresma

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Pebrero 21, 2024 – Miyerkules sa Unang Linggo ng Kuwaresma San Pedro Damian, obispo at pantas ng Simbahan Ebanghelyo: Lk 11:29-32 Nang dumadagsa na ang mga tao, nagsimulang magsalita si Hesus: “Masamang lahi ang lahing ito; humihingi ito ng palatandaan subalit walang ibang palatandaang ibibigay dito kundi ang palatandaan ni Jonas. At kung paanong naging palatandaan si Jonas para sa mga taga-Ninive, gayundin naman ang Anak ng Tao para sa mga tao sa kasalukuyan. Sa paghuhukom, babangon ang Reyna ng Timog kasama ang mga lalaki ng lahing ito at hahatulan sila. Sapagkat dumating siya mula sa kabilang dulo ng mundo para masaksihan ang karunungan ni Solomon; at dito'y may mas dakila pa kay Solomon. Sa paghuhukom, babangon ang mga lalaking taga- Ninive kasama ng salinlahing ito at hahatulan nila ito dahil nagbalik-loob sila sa pangangaral ni Jonas; at dito'y may mas dakila pa kay Jonas.”    Pagninilay: Ang pagbabalik ng ating Panginoong Hesus ay matagal nang hinihintay.  Marami ang nagsasabi na ang mga nangyayari ngayon ay bahagi na ng End Time.  Pero kelan nga ba ang pagbabalik ng ating Panginoong Hesus?  Nasusulat na ito ay mangyayari, pero, maging ang Anak mismo ng Diyos, hindi nababatid kung kelan ito magaganap.  Mga kapanalig, marahil, likas na sa atin ang maniguro.  May mga tao talagang nais humingi ng tanda.  Sa pagbasa, narinig nating sinabi ni Hesus na ang lahing ito ay masama, dahil humihingi ng tanda.  Noon, itinuring si Solomon bilang magaling na hari, pero alam natin, na si Hesus ang tunay na Hari, hindi sa sukatan ng lakas at kapangyarihan, kundi sa sukatan ng pag-ibig at pagpapakumbaba.  Ang Kanyang kaharian ay nananahan sa puso ng bawat isa sa atin, kung hahayaan natin Siyang dito’y paghahariin. Manalangin tayo:  Diyos naming Ama, tinatanggap naming malaking biyaya na ituring na mga anak mo.  Salamat, dahil sa pamamagitan ng mga salita Mo, nakilala namin ang Iyong Anak na aming Tagapagligtas.  Patuloy Mo pong gawing bukas ang aming mga puso, upang ang paghahari mo sa amin ay manatili, Amen.    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Feb 20, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Pebrero 21, 2024 – Miyerkules l Unang Linggo ng Kuwaresma

0:00 4:01

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on February 20, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!