Mabuting Balita l Pebrero 22, 2024 – Huwebes l Unang Linggo ng Kuwaresma episode artwork

EPISODE · Feb 21, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Pebrero 22, 2024 – Huwebes l Unang Linggo ng Kuwaresma

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Pebrero 22, 2024 – Huwebes sa Unang Linggo ng Kuwaresma Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro Ebanghelyo: Mt 16:13-19 Pumunta si Hesus sa may dakong Cesarea ni Filipo. Tinanong niya ang kanyang mga alagad: “Ano ang Anak ng Tao para sa mga tao? Sino ako para sa kanila?”  Sumagot sila: “May nagsasabing si Juan Bautista ka, may iba pang nagsasabing si Elias ka o si Jeremias o isa sa mga Propeta kaya.” Sinabi niya sa kanila: “Ngunit sino ako para sa inyo?”  At sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buhay.”  Sumagot naman si Hesus: “Mapalad ka, Simon Bar-Yona, hindi nga laman at dugo ang nagbunyag nito sa iyo kundi ang aking Amang nasa Langit. At ngayon sinasabi ko sa iyo: Ikaw si Pedro (o Bato) at sa batong ito ko itatayo ang aking Iglesya; at hinding-hindi ito madadaig ng kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng Kaharian ng Langit: ang itali mo dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, at ang kalagan mo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit.”     Pagninilay: Natural sa ating mga Pilipino ang maging solid na fanbase ng iba’t ibang sikat na artista, mapa-K-pop group man ‘yan o mga lokal na loveteam. Maituturing na die-hard fans nga ang iba sa atin, dahil handa tayong makipagbunuan, makapunta lang sa concert o sa mga iba’t ibang meet-and-greet. Kung tutuusin, mukhang may solid fanbase na rin ang ating Panginoon, sa tagpo ng ating Mabuting Balita ngayon. Kaya siya napatanong, “Sino raw ang Anak ng Tao ayon sa mga tao?” Umani man ito ng mga haka-hakang sagot mula sa mga alagad, tanging si San Pedro lamang ang nakasagot nang tama, hindi dahil nakinig siya sa sabi-sabi, kundi dahil sa kanyang pamamalagi sa piling ni Hesus. Hindi ito sagot na galing sa teolohikal o pilosopikal na pag-iisip, kundi mula sa isang patuloy na pakikipagrelasyon kay Hesus; sa madaling sabi, sagot ito, ng isang tunay na kaibigan ni Hesus. Maging ang pakikipagkaibigan natin sa Diyos ay isang proseso, gaya ng halimbawa ni San Pedro. Hindi man siya laging naging mabuting kaibigan ng Diyos dahil sa kanyang kahinaan, hindi ito naging hadlang sa kanyang pagiging tapat hanggang kamatayan dahil umasa siya sa awa at pag-ibig ni Hesus, ang kanyang guro’t kaibigan.  Mga kapanalig, pabaya man tayo minsan sa ating pakikipagkaibigan kay Hesus, ang mahalaga ay ang ating hangaring lumalim ang pagkilala sa Kanya. Gaya ni San Pedro, nawa’y hindi tayo matinag ng ating mga kahinaan, kundi, mas sumampalataya sa lawak ng habag at awa ni Hesus, ang ating kaibigang ‘di nakalilimot kailanman. Amen.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Feb 21, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Pebrero 22, 2024 – Huwebes l Unang Linggo ng Kuwaresma

0:00 4:16

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on February 21, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!