Mabuting Balita l Pebrero 24, 2024 – Sabado l Unang Linggo ng Kuwaresma  episode artwork

EPISODE · Feb 23, 2024 · 3 MIN

Mabuting Balita l Pebrero 24, 2024 – Sabado l Unang Linggo ng Kuwaresma 

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Pebrero 24, 2024 – Sabado sa Unang Linggo ng Kuwaresma             San Edilberto ng Kent Ebanghelyo: Mt 5:43-48 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig na ninyo na sinabi: Mahalin mo ang iyong kapwa at kamuhian ang iyong kaaway. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Mahalin n’yo ang inyong kaaway, at ipagdasal ang umuusig sa inyo. Sa ganito kayo magiging mga anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa kapwa masama at mabuti, at pinapapatak ang ulan sa kapwa makatarungan at di makatarungan. Kung mahal n’yo ang nagmamahal sa inyo, ano ang gantimpala niyo? Di ba’t ginagawa rin ito ng mga pagano? Kaya maging ganap kayo gaya ng pagiging ganap ng inyong Amang nasa langit.”     Pagninilay: Pwede mo bang ipicture sa iyong imagination ang taong dahilan ng pagkulo ng dugo mo? Tapos subukan mo kung madaling matagpuan ang pagmamahal mo sa kanya. Alam kong mahirap itong maapuhap.   Ang isang piraso ng papel, hindi gagalaw maliban kung may hangin na iihip dito. Ganyan ang ating kalooban, hindi masasalat hangga’t hindi ito hihingahan ng Diyos. Mananatili tayong manhid sa mga taong dapat nating mahalin at maunawaan maliban lang na maging aware tayo at maramdaman natin ang banal na hininga ng Diyos sa atin.  Sa Mabuting Balita, nagpaalala ang Banal na Maestro na mabuhay ayon sa Buhay sa Espiritu o sa “Life in the Spirit”. Ang bawat paghinga natin, pag-iisip, pagbigkas ng salita, pagkilos ay nagmumula at nakaugnay sa Buhay na Espiritu ng Panginoon. Nasusulat sa Katesismo ang ibig sabihin ng Life in the Spirit. Una, paggalang sa kapwa. Ito ang pag-unawa sa pinagdaraanan ng ating kapwa. Yun bang maiwasan nating hindi maka-trigger ang mga kilos natin sa kanilang hinanakit, at hindi rin tayo masaktan kapag may nabitawan silang masakit pakinggan. Ikalawa, pagkakapantay-pantay at pagkakaiba ng bawat isa. Pare-pareho tayong nilikha. Maaari na may pareho tayong prinsipyo o values pero may pagkakaiba rin ang ating ugali, ang ating ways, ang mga naging sugat sa ating nakaraan. Ikatlo, human solidarity o ang pagkakaisa. Maiaaply natin ito sa pagkakawang-gawa at tugunang pagmamahalan. Oo, may sari-sarili rin tayong pinagdaraanan but take them as spices of life. Kaya’t inaanyayahan ko kayong hugutin sa kaibuturan ang Espiritu ng paggalang, ang Espiritu ng pagtanggap ng ating pagkakaiba-iba, at ang Espiritu ng pagkakaisa. Sa pamamagitan nito, binibigyan tayo ng panibagong pananaw at pagtanggap sa mga hirap nating kinakaharap. Pinupuspos Niya ang kakayanan nating mahalin ang mga minamahal Niya, at magawang unawain at patawarin ang inuunawa Niya at pinapatawad. Sabi nga sa awit, every breath you take, every move you make, every smile you fake, every claim you stake, I will be watching you.  God is here with us sa mga pag-effort nating mahalin ang pinaka-difficult na tao sa buong mundo.    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Feb 23, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Pebrero 24, 2024 – Sabado l Unang Linggo ng Kuwaresma 

0:00 3:51

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 3 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on February 23, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!