EPISODE · Feb 24, 2024 · 4 MIN
Mabuting Balita l Pebrero 25, 2024 – Ikalawang Linggo ng Kuwaresma (B)
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Pebrero 25, 2024 – Ikalawang Linggo ng Kuwaresma (B) Ebanghelyo: Mk 9:2-10 Isinama ni Hesus sina Pedro, Jaime at Juan, at umakyat na sila lamang ang kasama sa isang mataas na bundok. At nagbago ang anyo ni Hesus sa harap nila at kuminang na puting-puti ang kanyang damit, na walang makapaglalabang simputi niyon sa lupa. At nagpakita sa kanila sina Elias at Moises na nakikipag-usap kay Hesus. Kaya nagsalita si Pedro at kanyang sinabi: “Panginoon, mabuti at narito tayo. Gagawa kami ng tatlong kubol: isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias.” Nasindak sila kaya hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. At may ulap na lumilim sa kanila. At narinig mula sa ulap ang salitang ito: “Ito ang aking Anak, ang Minamahal, pakinggan ninyo siya.” At biglang-bigla, pagtingala nila, wala silang nakita liban kay Hesus na kasama nila. At pagbaba nila mula sa bundok, inutusan niya sila na huwag sabihin kaninuman ang nakita nila hanggang makabangon ang Anak ng Tao mula sa mga patay. Iningatan nila ang bagay na ito sa kanilang sarili pero nagtanungan sila kung ano ang pagbangon mula sa mga patay. Pagninilay: Nais mo bang marinig ang tinig ng Diyos? Ang Mabuting Balita sa Linggong ito ay isang patunay na merong tinig ang Diyos. Narinig ng mga alagad ang tinig ng Diyos Ama na nagsasabing, “Ito ang aking Anak, ang Minamahal, ang aking Hinirang, pakinggan ninyo siya.” Batay sa mga salitang ating narinig, mahalaga na pinapakinggan si Hesus. Kaya matuto munang makinig, kung ninanais marinig ang tinig ng Diyos. Pero bago makinig, kailangan munang manahimik. Ang katahimikan ang siyang wika ng Diyos. Bukod pa dito, madalas pinapakinggan at sinusunod natin ang mga mabubuting payo ng mga kaibigan, na meron tayong malalim na ugnayan. Gayundin, ang araw-araw na pagdarasal at pagsisimba tuwing Linggo ay mga pamamaraan, upang magkaroon tayo ng malalim na ugnayan kay Hesus, na kung saan, Siya’y ating mapapakinggan at susundin. Higit sa lahat, tunay tayong nakikinig kay Hesus kung ang Kanyang mga salita’y makikita sa ating pakikipagkapwa tao: wala tayong kagalit, laging may malasakit, at ang kapwa’y pinupuri, hindi nilalait. Kung hindi’y ano pa ang silbi ng pagrorosaryo araw-araw at pagsisimba tuwing Linggo, kung hindi naman tayo nagiging mabuti at lumalago sa ating pakikipagkapwa-tao. Mga kapanalig, kahit na nagdarasal tayo ng paulit-ulit, kung hindi naman nababawasan ang ating kagalit, malamang na mas pinakikinggan natin ang malakas rin na tinig ni Satanas kumpara sa mapagpatawad na tinig ni Hesus. Kaya, habang nagdarasal, mahalaga pa rin na maging mapagmatyag, “Puso’y wag patigasin kung ang tinig ng Diyos inyong naririnig.” Amen. (Heb. 3:15).)
Embed this episode
Ready to play
Mabuting Balita l Pebrero 25, 2024 – Ikalawang Linggo ng Kuwaresma (B)
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.