Mabuting Balita l Pebrero 27, 2024 – Martes l Ikalawang Linggo ng Kuwaresma episode artwork

EPISODE · Feb 26, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Pebrero 27, 2024 – Martes l Ikalawang Linggo ng Kuwaresma

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Pebrero 27, 2024 – Martes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma San Gregorio ng Narek, abad at pantas ng Simbahan Ebanghelyo: Mt 23:1-12 Sinabi ni Hesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad: “Ang mga guro ng Batas at mga Pariseo ang umupo sa puwesto ni Moises. Pakinggan at gawin ang lahat nilang sinasabi subalit huwag silang pamarisan sapagkat nagsasalita sila pero hindi naman ginagawa. Naghahanda sila ng mabibigat na pasanin at ipinapatong sa mga balikat ng mga tao. Nginit hindi nila ikinikilos ni isang daliri para galawin ang mga iyon. Pakitantao lamang ang lahat nilang ginagawa; dahil dito, malalapad na laso ang Kasulatan ang gusto nila para sa kanilang mga noo, at mahahabang palawait sa kanilang balabal. Gusto nilang mabigyan ng pangunahing lugar o upuan sa mga handaan at sa sinagoga. Ikinatutuwa rin nilang mabati sa mga liwasan at matawag na guro ng mga tao. “Huwag kayong patawag na 'guro' sapagkat isa lamang ang Guro ninyo at magkakapatid kayong lahat. Huwag din n'yong tawaging ‘ama' ang sinuman sa mundo sapagkat iisa lamang ang inyong Ama, siya na nasa Langit. Huwag din kayong patawag na 'gabay' sapagkat iisa lamang ang inyong Patnubay, si Kristo. Maging alipin n'yo ang pinakadakila sa inyo. Sapagkat ibababa ang nagpapakataas at itataas ang napapakababa.”   Pagninilay: Ang deskripsyon ng isang tao ang nagsisilbing kabuuan ng kanyang pagkatao. Kaya sa anumang larangan mapa edukasyon man, sports, o ano mang mga patimpalak, kailangan ikaw ang dapat nangunguna sa lahat ng aspeto ng buhay, dahil tiyak na titingalain ka at pagsisilbihan ng mundo. Kagaya ng mga Pariseo at mga eskriba sa ating Mabuting Balita ngayon, sila ay may reputasyon na maalam sa batas. Dahil dito, mataas ang tingin nila sa kanilang sarili.  Halos perpekto ang pagtingin nila sa kanilang mga sarili. Kaya naman ang kabanalan para sa kanila ay paglayo ng kanilang mga sarili mula sa makasalanan. Ganyan ang kanilang deskripsyon – sila ay maalam, sila ang nasa taas kaya dapat sila ang pagsilbihan.  Ang ating Panginoong Hesukristo ay tunay na tao at Diyos. Nasa sinapupunan pa lang siya, Diyos na siya. Kaya naman sanggol pa lamang siya, siya na ang pinakamataas, sa lahat ng nilalang. Pero, hindi ito ginamit ng ating Panginoong Hesukristo upang maghari, nang naayon sa standards ng mundo. Ginamit niya ang kanyang pagkahari, pagiging mataas o pagiging Diyos sa pagsisilbi. Saan ba tayo makakakita ng Diyos, na siya mismo ang umiikot sa mundo upang pagsilbihan ang mga taong nangangailangan? Wala! Kundi ang Panginoong Hesus lamang.  Sa ating mabuting balita sinabi ng Panginoon: “Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo.”          Mga kapanalig, sa mata ng Diyos ang daan papunta sa taas ay pagpapakababa. Kung tayo ay nakakatanggap ng promotion o kaya itinataas ng mundo, sundin natin ang standards ni Hesus – mas lalo tayong dapat magsilbi o tumulong sa mga taong nangangailangan.      

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Feb 26, 2024

Embed this episode

Ready to play

Mabuting Balita l Pebrero 27, 2024 – Martes l Ikalawang Linggo ng Kuwaresma

0:00 4:57

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on February 26, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!