Mabuting Balita l Pebrero 29, 2024 – Huwebes l Ikalawang Linggo ng Kuwaresma episode artwork

EPISODE · Feb 28, 2024 · 6 MIN

Mabuting Balita l Pebrero 29, 2024 – Huwebes l Ikalawang Linggo ng Kuwaresma

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Pebrero 29, 2024 - Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma San Romano Ebanghelyo: Lk 16:19-31 Sinabi ni Hesus sa mga Pariseo: “May isang mayaman na nakabihis ng magarang damit at pinong linen at parang piesta ang kanyang buhay araw-araw. Nakahandusay naman sa may pintuan n’ya ang isang dukhang nagngangalang Lazaro. Tadtad s’ya ng sugat at gusto sana n’yang kanin ang mumong nahuhulog sa hapag ng mayaman; sa halip ay mga aso ang lumalapit sa kanya at hinihimuran ang kanyang sugat. At namatay ang dukha at dinala s’ya ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay din ang mayaman at inilibing. Nang nasa impiyerno na s’ya tumingala s’ya sa kanyang pagdurusa at natanaw sa malayo si Abraham at si Lazaro sa piling nito. Kaya’t sumigaw siya: 'Amang Abraham, maawa ka sa akin at utusan mo naman si Lazaro na isawsaw n’ya sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at paginhawahin ang aking dila dahil lubha akong naghihirap sa lagablab na ito.' 'Anak, alalahanin mong tinanggap mo na sa buhay mo ang mabuti sa iyo at kay Lazaro naman ang masasama. Kaya s’ya ngayon ang nasa ginhawa at ikaw ang nagdurusa. At isa pa'y malawak na bangin ang hindi matatawid ang itinakda sa pagitan natin. Kaya hindi makatatawid ang mga may gustong pumunta riyan galing dito at hindi rin naman makatatawid ang mula riyan papunta rito.' 'Kaya ipinakikiusap ko sa iyo, Ama, na papuntahin mo si Lazaro sa bahay ng aking ama, kung saan naroon ang lima kong kapatid para babalaan sila upang di sila mapunta sa lugar na ito ng pagdurusa.' 'Nasa kanila si Moises at ang Mga Propeta, makinig sila sa mga ito.' 'Hindi gayon, Amang Abraham; kung isa sa mga patay ang pupunta sa kanila, magsisisi sila.' 'Kung hindi nila pakikinggan si Moises at ang Mga Propeta, hindi pa rin sila maniniwala bumangon man ang isa sa mga patay.'”   Pagninilay: Narinig mo na bang sabihin ito ng iyong sarili o sinabi ng ibang tao? “Sayang naman…hindi ko ito nagawa noon, sayang naman sana dati…” Masasabing ang ganitong mga salita ay nagpapakita ng labis na panghihinayang, Sayang. Mga sandali na nasayang, naaksaya, lumipas, na madalas hindi na mababalikan. Tumatakbo ang oras, lahat tayo lilipas. Sabi nga ng isang awit: Minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito, kaya anuman ang mabuting maaring gawin ko ngayon. Sa Mabuting Balita, narinig natin ang kwento ng isang mayaman, na namuhay sa kanyang luho, at si Lazaro na mahirap at may sakit. Dumating ang araw na pareho silang pumanaw. Labis ang panghihinayang ng mayaman, dahil hindi na siya makababalik sa dati, hindi rin niya magagawa ang paalalahanan ang kanyang mga kaanak na naiwan. Wala na. Sayang, sana noon nakagawa siya ng kabutihan sa kanyang kapwa. Mga kapanalig, ipinapaalala sa atin ng mga pagbasa ngayon, na maging mulat sa bawat pagkakataon, na ibinibigay sa atin araw-araw ng Diyos. Araw-araw, nasa paligid natin ang paanyaya ng Diyos, na gumawa ng mabuti sa ating kapwa. Nariyan sila sa ating paligid. Ipinapaalala sa atin ng mga propeta, ng Banal na Kasulatan, ng mga turo ng simbahan ang kabutihan na dapat nating isabuhay. Huwag nating hintayin na mahuli ang lahat, bago tayo magbago at magpakabuti. Gaya ng paalala ng awit…O anumang kabutihan ang maari kong ipadama, itulot ninyong magawa ko ngayon ang mga bagay na ito. Nawa’y huwag ko itong ipagpaliban, ni ipagwalang bahala, sapagkat di na ko muling daraan sa ganitong mga landas. Habang may panahon pa, bumangon ka at gumawa ng mabuti sa iba. Amen.      

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Feb 28, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Pebrero 29, 2024 – Huwebes l Ikalawang Linggo ng Kuwaresma

0:00 6:15

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 6 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on February 28, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!