Mabuting Balita l Pebrero 3, 2024 – Sabado l Ika-4 na Linggo ng Karaniwang Panahon   	 episode artwork

EPISODE · Feb 2, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Pebrero 3, 2024 – Sabado l Ika-4 na Linggo ng Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Pebrero 3, 2024 – Sabado sa Ika-4 na Linggo ng Karaniwang Panahon       San Blas, Obispo at martir, at San Oscar, obispo Ebanghelyo: Mk 6:30-34 Pagbalik ng mga apostol kay Hesus, isinalaysay nila sa kanya ang lahat ng nilang ginawa at itinuro. Sinabi naman ni niya sa kanila:”Tayo na sa isang ilang na lugar para mapag-isa tayo at makapagpahinga kayo nang kaunti.” Sapagkat doo'y marami ang paroo't parito at hindi man lamang sila makakain. Kaya lumayo sila at namangka na sila-sila lang patungo sa ilang na lugar. Ngunit nakita silang umalis ng ilan at nabalitaan ito ng marami. Kaya nagtakbuhan sila mula sa kani-kanilang bayan at nauna pang dumating na lakad kaysa sa kanila. Pagdating ni Hesus sa pampang, nakita niya ang maraming taong nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At nagsimula siyang magturo sa kanila nang matagal.   Pagninilay: Nakita ng ating Hesus Maestro ang kapal ng mga tao na parang mga tupa na walang nag-aalaga. Pinangunahan Siya ng habag sa mga tao at feel Niya ang urgency to solve the issue. Ang pagtuturo ang naging focus Niya para sa kanila bilang Mabuting Pastol.  Naging Guro Siya sa Kanyang kawan. Alam Niya na nagugutom sila sa Katotohanan. Ang Hesus Maestro nga ang Modelo ng ating Simbahan. Kaya naman may tinatawag tayong Church Magisterium. Ito ang official teaching authority, lalo na ng ating Banal na Papa at mga Obispo. Gawain nila ang ipaliwanag at pangalagaan ang katotohanan ng ating pananampalataya na base sa Banal na Kasulatan at ng Banal na Tradisyon. Alam natin na ang Banal na Kasulatan ay kalipunan ng mga Salita ng Diyos na ang Diyos mismo ang humirang sa mga Manunulat at nagbigay sa kanila ng inspirasyon. Ang Tradisyon naman ay ang pananampalataya na isinalin sa atin ng mga Apostol na mismong natutuhan nila mula sa ating Hesus Maestro. Ang mga ito ang nagsusustena sa ating pananampalatayang Kristiyano at sa kung paano natin ito maisasabuhay. Totoo na Katotohanan ang bumubuhay at nagpapasigla ng ating diwa, kaisipan, kalooban at kaluluwa. Oo, mahalaga din ang pisikal na pagkain, pero ang katotohanan, hindi lumilipas. Kaya’t inaasahan tayong maging buhay na saksi ng turo ng ating Simbahan. Hindi lang tayo kawan na tumatanggap, kundi kawan na mga responsable at handang ipagtanggol ang katotohanan ng ating pananampalataya. Nasa atin ang Espiritu ng Katotohanan para gabayan tayo bilang evangelizing Christians. Hilingin din natin sa Espiritu ng Katotohanan na pag-alabin ang ating puso nang makatugon tayo sa mga nagugutom at nauuhaw sa turo ng ating Simbahan.    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Feb 2, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Pebrero 3, 2024 – Sabado l Ika-4 na Linggo ng Karaniwang Panahon

0:00 4:04

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on February 2, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!