Mabuting Balita l Pebrero 4, 2024 – Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon (B)	 episode artwork

EPISODE · Feb 3, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Pebrero 4, 2024 – Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Pebrero 4, 2024 –  Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon (B)      EBANGHELYO: Mk 1:29-39 Pagkaalis niya sa sinagoga, tumuloy si Hesus sa bahay nina Pedro at Andres, kasama sina Jaime at Juan. Doo’y nakita ang biyenan ni Pedro at may lagnat, at agad nila itong sinabi kay Hesus.  Kaya lumapit siya, hinawakan ito sa kamay at ibinagon. Iniwan ng lagnat ang babae at ito mismo ang naglingkod. Pagkalubog ng araw, nang dumidilim na, dinala nila kay Hesus ang lahat ng maysakit o inaalihan ng masasamang espiritu.  Nasa may pintuan nga ang buong bayan.  Maraming may ibat-ibang sakit ang pinagaling ni Hesus at maraming demonyo ang kanyang pinalayas; ngunit hindi niya sila pinahintulutang magsalita sapagkat alam nila kung sino siya. Kinabukasan, maaga siyang bumangon at umalis.  Pumunta siya sa isang ilang na lugar at doon siya nanalangin. Hinanap siya nina Pedro, at pagkakita sa kanya ay kanilang sinabi: “Hinahanap ka ng lahat.” Ngunit sinabi niya sa kanila: “Tayo na sa ibang lugar, sa maliliit na karatig-nayon para makapangaral din ako roon; dahil dito kaya nga ako lumabas.” At naglibot siyang mangaral sa kanilang mga sinagoga sa buong Galilea at nagpapalayas ng mga demonyo.   PAGNINILAY Mga kapatid, ang pagpapagaling sa biyenang babae ni Simon, ay isa lamang sa napakaraming himalang ginawa ni Hesus.  Katulad ng iba pang mga himalang ginawa Niya, isa itong “tanda” ng kanyang kapangyarihan bilang Anak ng Diyos.  Pero hindi lamang kapangyarihan at karunungan ng Diyos ang nais ipakita ni Hesus sa mga tao.  Kung tutuusin, hindi rin naman naalis nang tuluyan ng Panginoon ang mga sakit, mga problema, at mga pagdurusa ng mga tao, kahit pa nga napagtagumpayan niya ang kamatayan.  Patunay lang na hindi iyon ang pangunahing dahilan, ng pagiging-tao ng Anak ng Diyos.  Naparito si Hesus sa mundo, hindi lang upang ipakita ang kapangyarihan ng Diyos, kundi higit sa lahat, upang ipakita sa mga tao na ang Diyos ay pag-ibig.  Walang hanggan ang pag-ibig ng Diyos sa bawat isa sa atin.  Kahit paulit-ulit tayong nadadapa at nagkakasala, hindi Siya nanghihinawang patawarin tayo, sa tuwing tayo’y nagbabalik-loob at nagsisisi.  Sabi nga ni Juan Ebanghelista: “Ganito kamahal ng Diyos ang mundo!  Kaya’t ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isa at pinakamamahal na Anak upang hindi na mawala ang bawat nananalig sa Kanya, kundi magkaroon ng buhay magpakailanman.”  Kaya naman sa mga oras ng mabibigat na dagok ng buhay, pinalalakas ni San Pablo ang ating loob nang kanyang sabihing “Natitiyak kong kahit ang kamatayan at buhay… walang makapagwawalay sa atin sa pagmamahal ng Diyos.” Manalangin tayo:  Panginoon, salamat po sa dakilang pagmamahal na inialay mo sa akin.  Hindi man po ako karapat-dapat pag-alayan ng buhay dahil sa aking paulit-ulit na pagkakasala, pero tinubos Mo ako dahil Sa’yong walang hanggang awa.  Mapahalagahan ko nawa lagi ang handog mong kaligtasan hanggang katapusan.   Amen.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Feb 3, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Pebrero 4, 2024 – Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

0:00 4:43

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on February 3, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!