Mabuting Balita l Pebrero 6, 2024 – Martes sa Ikalimang Linggo ng Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Feb 5, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Pebrero 6, 2024 – Martes sa Ikalimang Linggo ng Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Pebrero 6, 2024 – Martes sa Ikalimang Linggo ng Karaniwang Panahon Unang Pagbasa I 1 H 8, 22-23. 27-30 Salmong Tugunan l Slm 83 #MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines Ebanghelyo: Marcos 7:1-13 Nagkatipon sa paligid ni Jesus ang mga Pariseo at ilan sa mga guro ng Batas na galing sa Jerusalem. Napansin nila na kumakain ang ilan sa mga alagad niya na may maruming kamay, na hindi naghuhugas ayon sa seremonya. Kaya tinanong siya ng mga Pariseo at mga guro ng Batas: “Bakit hindi isinabuhay ng iyong mga alagad ang tradisyon ng mga ninuno? Hindi nga sila naghuhugas ng kamay bago kumain.” At sinabi sa kanila ni Jesus: “Tama ang propesiya ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagkunwari. Nasusulat na: “Pinararangalan ako ng mga ito sa kanilang labi, at malayo naman sa akin ang kanilang mga puso. Walang silbi ang kanilang pagsamba sa akin at kautusan lamang ng tao ang kanilang itinuturo.” Pinabayaan nga ninyo ang utos ng Diyos para itatag ang tradisyon ng mga tao. Mahusay na pinawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos para tuparin ang inyong tradisyon. Sinabi nga ni Moises: ‘Igalang mo ang iyong ama at ina,’ at ‘patayin ang sinumang sumumpa sa kanyang ama o ina.’ Ngunit sinasabi niyo, na kung may magsasabi sa kanyang ama o ina, inaalay na ang pwede kong itulong sa inyo wala na siyang magagawang anuman ayon sa palagay ninyo para sa kanyang ama at ina. Kaya pinawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos sa tulong ng sarili ninyong tradisyon. At marami pa ang mga ginagawa ninyong ganito.” Pagninilay: Tayong mga Pilipino, malinis sa ating sarili, sa ating katawan. Madalas tayong maligo, yung iba nga dalawa o tatlong beses sa isang araw, lalo na kapag mainit ang panahon. Higit sa tradisyon o pagsunod sa mga iniuutos ng mga nakatatanda, ginagawa natin ang paghuhugas ng kamay o pagpapanatili sa kalinisan sa katawan, dahil nauunawaan natin ang halaga nito, para sa ating pansariling kalusugan. Sa ating Mabuting Balita, hindi sinasabi ni Hesus na masamang maghugas ng kamay o ang pagsunod sa turo ng mga nakatatanda o ang pagpapanatili sa kalinisan ng katawan. Sinasabi ni Hesus, higitan at lampasan natin ang mapagpaimbabaw na kalinisan, at laliman natin ang ating pag-unawa sa tunay na ninanais at plano ng Diyos sa atin. Halimbawa, naririnig natin ang Salita ng Diyos araw-araw, nauunawaan natin ang sinasabi at paanyaya nito, pero malayo naman dito ang ating ginagawa, malayo dito ang ating puso. Malinis na malinis ang kamay – mga kamay na mahilig namang magturo sa pagkukulang at karumihan ng iba. Mga kapanalig, kahit ilang ulit tayong maghugas ng kamay, o magpakita na nagpepenitensya, o magbihis ng Malinis na puti, pero kung sa loob at puso naman ay puno ng kasalanan, ng galit at poot, at pag-iimbot, ah, tugmang-tugma ang puna ni Hesus – mga hipokrito! Kaya pinapaalalahan tayo ng Mabuting Balita ngayon, na hindi sapat na ipakita natin ang ritwal ng kalinisan, hindi sapat na sumunod lamang tayo sa sinasabi ng tradisyon. Kundi, unawain natin ang kadahilanan at kung ano ang tunay na layon ng kalinisan, ang daan ng ganap na kabanalan, upang makasunod tayo sa Salita ng Diyos, upang makapamuhay tayong mapayapa kasama ang Diyos, upang anyayahan natin ang lahat, na magkaroon ng pusong tunay na dalisay at malinis para sa Diyos. Amen. – FR. BUEN ANDREW CRUZ, SSP | Society of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Feb 5, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Pebrero 6, 2024 – Martes sa Ikalimang Linggo ng Karaniwang Panahon

0:00 4:33

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on February 5, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!