Mabuting Balita l Pebrero 7, 2024 – Miyerkules l Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon   episode artwork

EPISODE · Feb 6, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Pebrero 7, 2024 – Miyerkules l Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon  

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Pebrero 7, 2024 – Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon       Beato Pio IX Ebanghelyo: Mk 7:14-23 Tinawag ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila: “Pakinggan ako at unawain sana ninyong lahat. Hindi ang pumapasok sa tao mula sa labas ang nakapagpaparumi sa kanya kundi ang lumalabas sa tao ang nakapagpaparumi sa kanya. Makinig ang mga may tainga.” Pagkalayo ni Hesus sa mga tao, nang nasa bahay na siya, tinanong siya ng mga alagad tungkol sa talinhagang ito. At sinabi niya: “Wala rin ba kayong pang-unawa? Hindi n'yo ba nauunawaan na sa bituka pumupunta ang anumang pumapasok mula sa labas? Sapagkat hindi sa puso ito pumapasok kundi sa tiyan at pagkatapos ay itinatapon sa labas. Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa tao. Sa puso nga ng tao nagmumula ang masamang hangarin: kahalayan, pagnanakaw, pagpatay sa kapwa, pakikiapid, kasakiman, kasamaan, pandaraya, kalaswaan, pagkainggit, paninira, kapalaluan, kabuktutan. Ang masasamang bagay na ito ang nagpaparumi sa tao.”   Pagninilay: Madalas sa buhay natin, mas nabibigyan natin ng pansin ang mga bagay-bagay sa paligid natin, kaysa sa mga bagay na nangyayari sa kaibuturan ng ating mga puso. Kaya ang hamon sa atin ng Mabuting Balita ngayon – bigyang pansin at suriin, ang mga bagay na nakapagpaparumi sa ating mga puso. Gaya ng sinabi ni Hesus, “ang nakapagpaparumi sa tao, ay hindi ang mga bagay na pumapasok sa kanya, kundi ang lumalabas sa kanya. Gaya ng masamang pag-iisip, kahalayan, inggit, kapalaluan, kabuktutan, at iba pang masasamang bagay na nakapagpaparumi sa puso at kaluluwa ng bawat tao. Bilang mga anak ng Diyos at mananampalataya, tinatawagan tayo ni Hesus na mamuhay sa kalinisan at kabanalan.  Sa ating Mabuting Balita, tinuturuan tayo ni Hesus ng paraan kung paano mamuhay sa kabanalan at mapalalim ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos. Nang sa gayon, manatili tayo sa kanyang presensya at mas maging matatag sa pag-iwas sa kasalanan, at piliin ang kabutihan. Nagkakaroon lang ng kapangyarihan ang kasalanan, kung pinipili nating sundin ang mga bagay na nakapagpaparumi sa ating puso at isip. Kung kaya’t sa araw-araw nating pamumuhay, hilingin natin ang grasya ng Diyos, na pagkalooban tayo ng determinasyon na palagiang suriin ang ating budhi, ang nilalaman ng ating puso at isip, upang maiayon natin ito sa kalooban ng Diyos. Mga kapanalig, dumulog tayo sa Diyos nang may pagpapakumbaba at manalangin. “Likhain Mo sa akin, O Diyos, ang isang malinis na puso, at pagkalooban ako ng isang panibagong Espiritung matatag”. Amen.    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Feb 6, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Pebrero 7, 2024 – Miyerkules l Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon  

0:00 4:26

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on February 6, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!