Mabuting Balita l Pebrero 8, 2024 – Huwebes l Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon  episode artwork

EPISODE · Feb 7, 2024 · 4 MIN

Mabuting Balita l Pebrero 8, 2024 – Huwebes l Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Pebrero 8, 2024 – Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mark 7:24-30 Lumayo si Hesus patungo sa hangganan ng Tiro. Pumasok siya roon sa isang bahay at kahit na ayaw niya itong malaman ninuman, hindi ito nalihim. May isang babaeng nakabalita tungkol sa kanya. Inaalihan ng maruming Espiritu ang kanyang dalagita kaya pumunta siya at nagpatirapa sa kanyang paanan. Isa siyang paganong taga-Sirofenicia. At ipinakiusap niya kay Hesus na palayasin ang demonyo sa kanyang anak. Sinabi naman niya sa kanya: ”Bayaan mo munang mabusog ang mga anak. Hindi tama na kunin ang ang tinapay sa mga bata at itapon sa mga tuta.” Sumagot ang babae: ”Totoo nga Ginoo, pero kinakain ng mga tuta sa ilalim ng mesa ang mga nalalaglag mula sa mga bata.” At sinbi sa kanya ni Hesus: ”Dahil sa sinabi mong ito, lumabas na sa iyong anak na babae ang demonyo.” Kaya umuwi ang babae at nakita niya ang bata na nakahiga sa kama; lumabas na nga ang demonyo.     Pagninilay: Sa Pilosopiya, itinuturo sa atin ang principle ng “space and time.”  We, humans, are bounded by time and space.  Tayong mga tao dito sa mundong ibabaw, ay nalilimitahan pa ng espasyo at oras. Kung madalas kang sumakay ng jeepney, may limit lang ang pwedeng isakay nito, ganun din sa elevator; patunay lamang ito na bilang tao, kaya tayong limitahan ng espasyo. Sa kabilang banda, tayong mga tao dito sa mundong ibabaw ay nalilimitahan ng oras at panahon. May nakatakdang panahon kung kelan tayo lilisan dito sa mundo. Totoo nga, na habang andito pa tayo sa mundo, “we are bounded by space and time.”  Pero taliwas ang kaisipang ito, pagdating sa awa at pagmamahal ng Diyos sa atin. Kailanman hindi kayang limitahan ng espasyo at oras, ang pagmamahal ng Diyos sa atin.  “God’s love knows no boundary.” Mamahalin ka Niya regardless of your race, age, gender, socio-econonomic conditions, etc. Yan ang naranasan ng babaeng Hentil na tubong Sirofenicia.  Sa ating Mabuting Balita, nakita ng Panginoong Hesukristo ang dakilang pananampalataya ng babaeng Hentil, nang lumapit ito sa kanya upang hilingin ang kagalingan ng kanyang maliit na anak na babae na inaalihan ng demonyo. Dahil sa ipinakitang lakas ng loob, kapakumbabaan at pananalig ng babaeng Hentil, iginawad ng Panginoong Hesukristo, ang kagalingan ng kanyang anak. Kahit naging iskandalo pa ito sa mata ng mga Hudyo na naniniwala, na ang Awa at Pagmamahal ng Diyos ay limitado lamang para sa kanila, na bayang pinili.  Mga kapanalig, huwag sana nating bigyan ng limitasyon ang pagmamahal ng Diyos para sa atin. Huwag nating huhusgahan ang mga taong hindi ka mahal mahal sa ating mga paningin. Tandaan natin, na lahat naman tayo ay may karamdamang pisikal at espiritwal, at nangangailangan ng habag at pagmamahal ng Diyos. I-claim natin na Mahal na Mahal tayo ng Diyos. Tunay nga “God’s love knows no boundary.”

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Feb 7, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Pebrero 8, 2024 – Huwebes l Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon

0:00 4:18

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on February 7, 2024.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!