EPISODE · Feb 8, 2024 · 4 MIN
Mabuting Balita l Pebrero 9, 2024 – Biyernes l Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Pebrero 9, 2024 – – Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon Santa Apolonia Ebanghelyo: Mk 7:31-37 Umalis si Hesus sa lupain ng Tiro at dumaan sa Sidon papunta sa lawa ng Galilea. Pagdating niya sa lupain ng Decapolis, may mga nagdala sa kanya roon ng isang bingi na halos hindi makapagsalita. At hiniling nila kay Hesus na ipatong dito ang kamay. Matapos siyang ihiwalay sa mga tao, inilagay niya ang kanyang daliri sa tainga ng tao at dumura at saka hinipo ang kanyang dila. At tumingala siya sa Langit, nagbuntong hininga at sinabi: “Ephphata,” na ang ibig sabihi'y “Buksan.” Nabuksan ang mga tainga ng tao at biglang nakalag ang dila niyang nakabuhol kaya nakapagsalita siya nang tuwid. Tinagubilinan sila ni Hesus na huwag sabihin ito kaninuman ngunit habang pinagbabawalan sila, lalo naman silang nagpapahayag. Labis na namangha ang mga tao at sinabi nila: ”Pinaiigi niya ang lahat: nakaririnig ang bingi at nakapagsasalita ang pipi.” Pagninilay: Isang touch lang at click, nakakapag-communicate na tayo. Sa bilis ng internet, napakadali nating kumunek sa iba. Easy lang ang pag-access sa maraming bagay. Relate na relate tayo sa salitang “connection”. Marami rin sa atin ang may FOMO o fear of missing out kapag hindi nakasama sa kasunduan o sa pagsasamahan. Kaya madalas sinasabi natin sa loved ones natin, “Keep in touch, ha?” O kaya, “Stay connected”. Sa ganito tayo nilikha ng Diyos. Bukod pa rito, ang pinakamahalaga, makahulugan at pinagmumulan ng lahat ng koneksyon natin ay ang ugnayan sa ating Panginoon. Nakaka-amaze isipin ang encounter ng lalaking utal at bingi at ng ating Hesus Maestro. Bukod sa buong galang na inihiwalay siya sa maraming tao, isinuot Niya ang Kanyang daliri sa tainga ng lalaki, lumura, habang hinipo naman ang dila. Ginamit Niya ang Kanyang daliri at laway. Malalim ang ginawa Niyang kuneksyon sa utal at bingi. Alam nyo, kapanalig, ito ang isa sa mga struggles ko bilang isang lingkod ng komunikasyon. Hindi ako makaconnect sa mga utal at bingi. Hindi ko kayang magsign language man lang. Oo, alam ko ang finger spelling alphabet. (a, b, c, d, e) pero mabagal ko itong nagagawa. Madalas kapag labasan na sa school for the deaf na katabi ng convent naming, nakakatuwang tingnan kung paano sila nagcocommunicate sa isa’t isa. Pero aaminin ko, hindi ko mabasa ang konteksto ng kanilang pinag-uusapan. Maraming beses iniisip ko. Paano ko maipapasok ang aking puso sa kanilang kalooban? Mapalad ang mga teachers nila, classmates, at ang kanilang parents. Tayo naman na hindi alam ang lenggwahe ng utal at bingi. Ano ang maaari nating magawa? Una, iisipin natin sila kapag nakikipag-usap tayo sa iba. Gawin ang active listening para maunawaan natin nang maigi ang ating kausap. Ikalawa, isipin muna ang ating sasabihin kung makakatulong ba o makakapapahina ng kanilang kalooban. Ikatlo, laging subukan na magkaroon ng life giving conversation. Sa ganitong paraan, every encounter nagiging instruments na rin tayo ng Daliri ng Diyos na nakapaglilikha ng buhay, tuwa at sigla. Nagiging daluyan din tayo ng Kanyang sacred healing power ng mga nawawalan ng lakas-loob na magpahayag ng katotohanan.
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Pebrero 9, 2024 – Biyernes l Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.