Mabuting Balita l Setyembre 1, 2023 – Biyernes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Sep 3, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Setyembre 1, 2023 – Biyernes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Setyembre 1, 2023 – Biyernes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH   Ebanghelyo: Mateo 25:1-13 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tinutukoy ng kuwentong ito ang mangyayari sa Kaharian ng Langit. Sampung abay na dalaga ang lumabas na may dalang lampara para sumalubong sa nobyo. Hangal ang lima sa kanila, at matalino naman ang lima pa. Dinala ng mga hangal na abay ang kanilang mga lampara nang walang reserbang langis. Ngunit dinala naman ng matatalino ang kanilang mga lampara na may reserbang langis. Natagalan ang nobyo kaya inantok silang lahat at nakatulog. Ngunit nang hatinggabi na, may tumawag: ‘Dumarating na ang nobyo; lumabas kayo at salubungin siya!’ Nagising silang lahat noon at inihanda ang kanilang lampara. Sinabi ng mga hangal sa matatalino: ‘Bigyan naman ninyo kami ng inyong langis dahil mahina na ang ningas ng aming lampara.’ Sumagot ang matatalino: ‘Baka kulangin ang langis para sa amin at para sa inyo. Mabuti pang pumunta kayo sa mga nagtitinda at bumili para sa inyo.’ Nakaalis na sila para bumili nang dumating ang nobyo; ang mga handa na ay sumama sa nobyo sa kasalan, at isinara ang pinto. Pagkatapos ay saka dumating ang iba pang mga dalaga at tumawag: ‘Panginoon, Panginoon, pagbuksan mo kami!’ Ngunit sumagot siya: ‘Talagang sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo kilala.’ Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras.”  Pagninilay: Paano mo gustong maalala pagkatapos ng maikling buhay mo sa mundo?  Gusto mo bang maalala sa dami ng ari-arian, yaman, kasikatan at tagumpay na iyong tinamo?  O gusto mong maalala sa dami ng kabutihang iyong nagawa habang nabubuhay ka sa mundo? Para sa maraming kabataan, marahil wala pang masyadong dating ang babala ng Mabuting Balita ngayon. Dahil feeling nila, napakabata pa nila para paghandaan ang buhay sa kabila.  Kaya marami sa kanila ang namumuhay na parang walang Diyos, na parang walang katapusan ang buhay.  Pero ang babala na maging laging handa sa pagdating ng Panginoon ay nauukol sa ating lahat – bata man o matanda, mahirap o mayaman, nakapag-aral o hindi, banal o makasalanan.  Lahat, inaanyayahan ng Panginoon na maging laging handa sa Kanyang pagdating, dahil tunay na hindi natin nalalaman ang araw, ni oras, kung kelan tayo makikipagharap sa Diyos sa sandali ng kamatayan.  Ngayon, suriin mo ang iyong buhay. Saan mo ginugugol ang iyong lakas, time, talent at treasure?  Ano ang mga gawaing pinaglalaanan mo ng maraming panahon?  May pakinabang kaya ang mga ito sa magiging buhay mo sa kabila? Magsisilbi kaya itong passport para makapasok ka sa Kaharian ng Langit?  Alam natin na lahat ng pinaghirapan natin dito sa mundo, lahat ng nakamit na yaman, ari-arian, tagumpay, maging ang ating kasikatan – hindi natin madadala sa sandali ng kamatayan, ni hindi na nga maaalala sa paglipas ng panahon.  Pero kung gagamitin natin ang mga blessings na tinanggap natin sa Diyos, sa mga gawaing paglilingkod; kung hahayaan natin ang Diyos na gamitin tayo ayon sa Kanyang layunin; kung magiging daluyan tayo ng pagpapala ng Diyos sa mga maralita, dukha, at walang-wala – pumanaw man tayo dito sa mundo, mananatiling buhay ang ating alaala, sa puso ng mga taong ating natulungan… dahil naiparanas natin sa kanila na tunay na buhay ang Diyos at kumikilos Siya sa pamamagitan natin. Mga kapanalig, samantalahin natin ang bawat araw na pinapahiram ng Diyos upang mag-ipon na makalangit na yaman na maghahatid sa atin sa buhay na walang hanggan.  At katulad ng limang matatalinong abay, punuin nawa natin ng langis ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa ang lampara ng ating buhay – nang maging laging handa tayong salubungin ang Panginoon anumang oras Siya dumating sa ating buhay.  Amen. - Sr. Lines Salazar, fsp | Daughters of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Sep 3, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Setyembre 1, 2023 – Biyernes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:54

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on September 3, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!