EPISODE · Sep 10, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Setyembre 11, 2023 – Lunes sa Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Setyembre 11, 2023 – Lunes sa Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 6:6-11 Sa iba namang Araw ng Pahinga, pumasoksi Hesus sa sinagoga at nagturo. May isang lalaki na hindi maigalaw ang kanang kamay. Pinagmamasdan siya ng mga guro ng Batas at mga Pariseo, at baka pagalingin itoni Hesus sa Araw ng Pahinga at nang maisakdal nila siya. Ngunit alam ni Hesusang kanilang iniisip kaya sinabi niya sa lalaking hindi maigalaw ang kamay:“Tumindig ka’t tumayo sa gitna.” Tumindig nga ito at tumayo roon. Sinabi ni Hesussa kanila: “Matanong ko nga kayo: ano ang ipinahihintulot sa Araw ng Pahinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?” Tiningnan niya silang lahat sa paligid at sinabi sa tao: “Iunat mo ang iyong kamay. Ginawa niya ito at gumaling ang kanyang kamay. Galit na galit naman sila atmagkakasamang nag-usap-usap kung ano ang magagawa nila kay Hesus. Pagninilay: Mga kapanalig, nagpapakita ang Mabuting Balita ngayon, ng matatag at maka-amang pagtutuwid o (firm fraternal correction) sa mga eskriba at mgaPariseo. Pagtutuwid na patungkol sa paggawa ng mabuti at masama. Naalala kotuloy ang tatay namin noon, na kapag kami ay napapagalitan, sinasabi niya ang dahilan. Ipinapaalam sa amin, kung ano ang mabuti at masama. Kumbaga, bahagi ng disiplina ng tatay at nanay, na turuan kaming pag-isipan ang mga bagay na gagawin namin – kung nakabubuti ba ito o nakasasama sa amin. Sa Mabuting Balita ngayon, binabantayan ng mga eskriba at mga Pariseo ang Panginoong Hesus, kung magpapagaling sa araw ng pamamahinga. Dahil ayon sa kanilang batas at tradisyon, dapat igalang at huwag gumawa sa araw ng pamamahinga. Para sa kanila, kahit ang pagpapagaling ay ipinagbabawal sa araw ng pamamahinga. Narinig natin na hindi nagpasakop sa panghuhusga ang ating Panginoong Hesus. Sa halip, tuwiran Niyang pinagaling ang may sakit. Mga kapanalig, ang pag-ibig at habag ng Panginoong Hesus, ay lampas at higit sa anumang utos o batas. Inaanyayahan tayo ng Mabuting Balita na magnilay, suriin ang ating sarili kung tumutugon tayo sa paanyayang ito. Huwag sana tayong maging bilanggo sa mga batas at utos. Maging pangunahin nawa nating batas, ang pagmamahal at pagtulong sa kapwa. Araw- araw nawa ay maging daluyan tayo ng pagpapala at pag-ibig ng Diyos. Walang hihigit pa sa taong nililimot ang sarili, alang – alang sa kanyang kaibigan. – Sr. Edith Ledda, fsp | Daughters of St. Paul Panalangin: Panginoong Hesus, tulungan Mo po kaming magkaroon ng malinaw na isipan, upang ang aming gagawin ay naaayon sa Iyong banal na kalooban. Bigyan Mo po kami ng pusong maawain sa aming kapwa, at turuang huwag humusga. Maging tapat nawa kami sa gawaing, niloob mong aming magampanan. At pasiglahin ang aming Espiritu sa pamamagitan ng Iyong Banal na Salita. Amen.
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Setyembre 11, 2023 – Lunes sa Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.