EPISODE · Sep 11, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Setyembre 12, 2023 – Martes | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Setyembre 12, 2023 – Martes | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 6: 12-19 Umakyat si Hesus sa bundok para manalangin at magpalipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. Nang nag umaga na, tinawag n’ya ang kanyang mga alagad at pumili s’ya ng labindalawa sa kanila na tinawag n’yang Apostol: si Simon na pinangalanan n’yang Pedro, si Andres na kapatid nito, si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, si Simon na tinaguriang Zelota, si Judas na kamag-anak ni Jaime, at si Judas Iskariote na naging taga-pagkanulo. Pagkababa kasama nila, tumigil si Hesus sa isang patag na lugar. Naroon ang maraming alagad n’ya at napakarami ring tao mula sa buong Judea at Jerusalem, at mula sa baybaying dako ng Tiro at Sidon ang dumating para makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Gumaling din ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu, kaya sinikap ng lahat ng tao na mahipo s’ya dahil may kapangyarihang lumalabas sa kanya na nagpapagaling sa lahat. Pagninilay: Mga kapanalig, kung tutuusin naman talaga, kakayanin ni Hesus bilang Diyos ang lahat ng gawain at misyon niya dito sa mundo. Pero, pinili niyang makisalamuha sa tao, makipag tulungan sa tao sa pagganap ng kanyang misyon. Kaya tumawag siya ng labindalawang alagad. Bawat isang Apostol na kanyang tinawag, may ibat-ibang pagkatao, kalakasan, kahinaan at ibat-ibang kasanayan. Hindi mga perpektong tao ang kanyang tinawag na mangaral tungkol sa Kaharian ng Diyos. Hindi tinawag ng Diyos ang mga marapat, Kundi minarapat niya ang Kanyang tinawag. The late Pope Emeritus Benedict XVI said: The calling of the twelve disciples was a ‘prayer event’. It was the result of Jesus’ intimate dialogue with His Father, and not from the functions they will fulfill or a fruit of deep theological meaning. Recalling what Matthew 9:38 says, “Ask the Lord of the harvest to send out laborers into his harvest.” Imagine that like the disciples’ calling, our calling too, was also a fruit of prayer, the saints’ prayers, others’ prayers for us, and our prayer for ourselves. Mga kapanalig, ipinagdiriwang din natin ngayon ang Kamahal-mahalang Ngalan ng Mahal na Birheng Maria. Nawa ang naging pag tugon ng Inang Maria sa pagtawag ng Diyos ay maging huwaran din natin sa pag tugon sa tawag ng Diyos na mag lingkod sa ating kapwa. Amen. - Fr. Edward Dantis, SSP | Society of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Setyembre 12, 2023 – Martes | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.