Mabuting Balita l Setyembre 13, 2023 – Miyerkules | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Sep 12, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Setyembre 13, 2023 – Miyerkules | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Setyembre 13, 2023 – Miyerkules | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 6:20-26 Tumingala si Hesus sa kanyang mga alagad, at sinabi, “Mapapalad kayong mga dukha: sapagka't sa inyo ang kaharian ng Diyos. Mapapalad kayong mga nangagugutom ngayon: sapagka't bubusugin kayo. Mapapalad kayong mga umiiyak ngayon: sapagka't tatawa kayo. Mapapalad kayo kapag kinapopotan kayo ng mga tao, at tinatakwil at iniinsulto, at sinisiraang puri dahil sa akin. Magsaya kayo at lubos na mag galak sa araw na yon, sapagka't malaki, ang gantimpala mula sa Diyos. Gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta. Ngunit sawimpalad kayong mayayaman! sapagka't tintamasa na Ninyo ang inyong ginhawa. Sawimpalad kayong mga busog ngayon! sapagka't mangagugutom Kayo. Sawimpalad kayong humahalakhak ngayon! sapagka't magluluksa kayo at iiyak. Sawimpalad kayo kapag pinaguusapan kayo ng Mabuti sa lahat ng tao dahil ganuon din ng ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta”.   Pagninilay: Naranasan mo na bang ma-bully? ‘Yung wala ka namang ginagawang masama pero inaapi, sinasaktan at pinagsasabihan ka ng kung anu-ano? Madalas nga, mas lalo ka pang sinasaktan kapag gumagawa ka ng mabuti o nagiging successful ka sa school o sa trabaho dahil pinagbuti mo, nagsikap at nagtiyaga ka.  Alam ni Hesus ang pinagdaraanan mo dahil kilala niya ang puso ng tao. Siya rin ay na-bully ng mga taong hindi makatanggap sa kanya. Nakikita niya ang lahat mong tagumpay at pagtitiis, lahat ng saya at luha. Sinasabi niya sa atin ngayon: “Pinagpala kayo kung dahil sa inyong pagsunod sa Anak ng Tao ay kinapopootan kayo, pinagtatabuyan at nilalait ng mga tao, at pinararatangang kayo ay masama. Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung gayon ang mangyari sa inyo, dahil malaki ang inyong gantimpala sa langit. Alam mo ba kung ano ang gantimpala mo dito sa lupa? Kasama mo ang Diyos na nagtataas sa mga aba at nagsasadlak sa mga makapangyarihan. At dahil kasama mo ang Diyos, magagawa mong magalak at magsaya: yung sayang tumatagos sa kaibuturan ng puso na kahit nahihirapan ka o may problema, nakakangiti ka pa rin at payapa mong nagagawa ang iyong mga tungkulin at responsibilidad. ‘Yun ay kung susundin mo ang payo ni San Pablo: “Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman. – Sr. Rose Agtarap, fsp | Daughters of St. Paul   Panalangin:  Panginoon, patatagin mo po kami at punuin ng pagmamahal ang aming puso Panginoon, patatagin mo po kami at punuin ng pagmamahal ang aming puso upang huwag kaming maghiganti, bagkus, ipaubaya namin ang lahat sa galit ng Diyos. Huwag nawa kaming magpadaig sa masama, kundi daigin namin ng mabuti ang masama. Amen.      

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Sep 12, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Setyembre 13, 2023 – Miyerkules | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:49

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on September 12, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!