EPISODE · Sep 13, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Setyembre 14, 2023 – Huwebes | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Setyembre 14, 2023 – Huwebes | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Juan 3:13-17 Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Walang umakyat sa Langit maliban sa bumaba mula sa Langit-ang Anak ng Tao. Kagaya ng pagtataas ni Moises sa ahas sa ilang, gayundin naman kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ang bawat naniniwala sa kanya. Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang naniwala sa kanya; magkaroon nga siya ng buhay na walang hanggan. Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo, kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya.” Pagninilay: Ngayong kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal, narinig natin kung papaanong sinabi ni Hesus kay Nicodemo, na siya ang Anak ng Diyos na bumaba mula sa langit, upang iligtas ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Sinabi rin niya, na tulad ng pagtaas ni Moises sa ahas sa ilang, na naging daan upang ang mga nakagat ay gumaling, kailangan din niyang mataas sa krus, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Mga kapanalig, ganoon na lamang ang pag-ibig ng Diyos para sa atin. Handa niyang ibigay ang kanyang bugtong na Anak para sa ating kaligtasan. Hindi niya gustong maparusahan tayo sa ating mga kasalanan, kundi ibigay sa atin ang Kanyang biyaya at awa. Isa itong biyaya na hindi tayo karapat-dapat, pero ibinigay niya sa atin nang walang bayad. Kailangan nating manampalataya kay Hesus upang makapasok sa kaharian ng Diyos. Kailangan nating tanggapin si Hesus bilang ating Panginoon at Tagapagligtas, at sumunod sa kanyang mga utos. Ang pananampalataya ay hindi lamang isang pagpapahayag ng bibig, kundi isang pagpapakita ng buhay. Mga kapanalig, ang ating Mabuting Balita ay isang paanyaya sa atin, na magtiwala kay Hesus at magpasalamat sa kanyang dakilang pag-ibig. Isa din itong hamon sa atin, na mabuhay nang alinsunod sa kanyang kalooban, at magpatotoo sa iba tungkol sa kanyang biyaya. Nawa’y maging matapat tayo sa ating pananampalataya kay Hesus, ang Anak ng Diyos na bumaba mula sa langit para sa ating kaligtasan. Amen. – Fr. Rolly Garcia Jr., Director – Commission on Biblical Apostolate | Archdiocese of Manila
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Setyembre 14, 2023 – Huwebes | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.