EPISODE · Sep 14, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Setyembre 15, 2023 – Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Setyembre 15, 2023 – Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Juan 19:25-27 Nangakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng ina niya, si Mariang asawa ni Cleofas at si Maria Magdalena. Kaya pagkakita ni Hesus sa ina at sa kanyang mahal na alagad na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa ina: “Babae, hayan ang anak mo!” Pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyo’y tinanggap siya ng alagad sa kanila. Pagninilay: Sa araw na ito ginugunita natin ang Mahal na Birheng nagdadalamhati. Habang nakabayubay sa krus, inihabilin tayo ni Hesus sa kanyang Inang nagdadalamhati. Mula noon, pinagpala na tayo ng mga panalangin, pag-iingat at pag gabay ng ating Inang Maria. Inaakay niya tayo palapit sa kanyang Anak upang tulad niya, mapuspos ng biyaya ang ating buhay. Mga kapanalig, dalawang araw mula ngayon, ipagdiriwang sa buong Kabikolan ang Kapistahan ni INA, ang Mahal na Birhen ng Peñafrancia. Pinaparangalan ang Mahal na Birhen bilang pagtanaw sa kanyang natatanging bahagi sa dakilang kasaysayan ng ating kaligtasan, ang kanyang walang pag-iimbot at tapat na pagtalima sa kalooban ng Panginoon, upang maging Ina ni Hesus. Hindi man niya lubusang matanto ang plano ng Diyos, lubos siyang nagtiwala sa Panginoong tunay na nagmamalasakit, tapat at nagmamahal sa kanya. Araw-araw, matindi ang kaba ng aking dibdib dahil sa takot, habang naglalakad ako papuntang school noong ako’y nasa kolehiyo. Ramdam ko ang mga namumulang mga mata ng mga kalalakihang nakatingin sa akin habang dumadaan ako. May nakapagsabi sa akin na maraming adik sa lugar na iyon. Minsan sinabi ko sa aking ina, “Nanay, natatakot po ako, tinitingnan nila ako kapag ako’y dumadaan.” Magiliw na lumingon sa akin si Nanay, “Dee, si Ina ang bahala saiyo. Sa iyong paglabas, tawagin mo Siya, isang Aba Ginoong Maria.” Araw-araw bago ako lumabas naririnig ko ang habilin ng aking Nanay. Hanggang ngayon, kapag nakakaramdam ako ng takot, naririnig ko ang aking Nanay, “Dee, isang Aba Ginoong Maria.” Mahal na Inang Maria, ni minsan hindi mo po ako binigo. - Sr. DeedeeAlarcon, fsp l Daughters of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Setyembre 15, 2023 – Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.