Mabuting Balita l Setyembre 19, 2023 – Martes | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Sep 21, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Setyembre 19, 2023 – Martes | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Setyembre 19, 2023 – Martes | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH   Ebanghelyo: Lucas 7:11-17 Pumunta si Hesus sa isang bayang tinatawag na Nain; at sinamahan siya ng kanyang mga alagad, kasama ang maraming tao. Habang papalapit siya sa pintuan ng bayan, tamang tama namang inilalabas ang isang patay, ang nag iisang anak na lalaki ng kanyang ina. At ito’y isang byuda kaya sinamahan siya ng di kakaunting tao mula sa bayan.  Pagkakita sa kanya, nahabag sa kanya ang Panginoon at sinabi “Huwag kanang umiyak.”  Lumapit siya at hinipo ang kabaong: tumigil naman ang mga may dala. At sinabi niya, “Binata, iniuutos ko sayo bumangon ka”. Umupo nga ang patay, at nagpasimulang magsalita. At ibinigay siya ni Hesus sa kanyang ina. Nasindak ang lahat: at Nagpuri sa Diyos, at sinabi, Lumitaw sa natin ang isang dakilang propeta: at dinalaw ng Dios ang kanyang bayan. Kaya’t kumalat ang balitang ito tungkol sa kanya, sa buong lupain ng mga Judio, at sa lahat na karatig na lupain.  Pagninilay: Mga kapanalig, hindi po biro ang nangyari sa ginang na tampok sa ating Mabuting Balita ngayong araw. Masakit pakinggan na hindi lamang siya balo, pero ulila na din sa pagkamatay ng kanyang anak. Sa isang tagpo, nagkrus ang landas nila ni Hesus. Sinasabi na galing si Hesus noon sa Capernaum matapos pagalingin ang alipin ng Centurion. Kaya nga maraming sumusunod sa kanya. Masaya sila, at nagbubunyi. Pero, pagpasok nila sa Nain, ang sumalubong ay mga taong nagluluksa’t umiiyak. Tama lang ang dating ni Hesus, hindi lamang buhay ng anak ng ginang ang kanyang binuhay! Pati ang patay nang pag-asa ng ginang na mabuhay pa. Kapwa niya ito binigyang buhay, dahilan na ang dalawang nagkasalubong na prusisyon, ay mga taong kapwa nagbubunyi! Mga kapanalig, ganun din minsan sa ating buhay. Maraming pagkakataon dinobol kill tayo ng mga suliranin at unos…pero darating si Hesus. Sa isang kaibigan, karamay, o mas matiwasay na sitwasyon, o sa mas mabuting bagay... Bubuhayin niya ang patay nating pag-asa. Ipanunumbalik niya ang saya sa ating mga labi at puso. Masasambit din nating…tunay ngang kapiling ng Diyos ang kanyang kawan. Lagi nawa nating pagningasin ang pag-asa sa ating puso. God will surely come right in time. Hindi lamang siya bumibisita pag kailangan natin siya, lagi natin siyang kapiling. - Cl. Vinz Aurellano, ssp | Society of St. Paul    

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Sep 21, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Setyembre 19, 2023 – Martes | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:17

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on September 21, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!