Mabuting Balita l Setyembre 20, 2023 – Miyerkules | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Sep 21, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Setyembre 20, 2023 – Miyerkules | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Setyembre 20, 2023 – Miyerkules | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH  Ebanghelyo: Lucas 7:31-35 Sinabi ni Hesus: “Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuyan, at sa ano sila katulad? Para silang mga batang nakaupo sa mga plasa, at nagrereklamo ang ilan sa kanila: ‘Tinugtog namin ang plauta para sa inyo at hindi kayo sumayaw, at nang umawit naman kami ng punebre, ayaw naman ninyong umiyak.’ Ganito rin naman ang nangyari. Dumating si Juan Bautista na hindi kumakain ng tinapay ni umiinom ng alak, at ang sabi ninyo’y ‘Nasisiraan siya ng bait!’ Dumating naman ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at sinabi naman ninyong ‘Narito ang taong matakaw at lasenggo, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan.’ Gayon pa ma’y nakilala ng kanyang mga anak ang Karunungan.”  Pagninilay: Ang Mabuting Balitang ngayon, nagpapakita ng hindi mabuti o di magandang pag-uugali ng mga tao. Marami sa mga ito, taliwas ang ginagawa at hindi naaayon sa kung ano ang sa kanila ay ipinangangaral. Tinugtugan sila ng plauta at hindi sumayaw! Malulungkot na awitin at hindi sila nanangis. Narinig din natin sa pagbasa, na namuhay si Juan Bautista sa pag-aayuno. Hindi kumakain ng tinapay o umiinom ng alak, pero sinabihan siyang inaalihan ng demonyo. Maging ang ating Panginoong Hesus ay hinatulan ding matakaw at naglalasing, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan. Mga kapanalig, hindi ba tayo nalalayo sa mga taong tulad ni Juan Bautista? O tulad ng ating Panginoong Hesus, na hinusgahan at pinaratangan ng hindi totoo? Maaaring sa paningin ng iba, ang ginagawa natin ay mabuti, at sa paningin naman ng iba ay masama. Totoo na, “we cannot please everybody.”  Meron, at meron silang sasabihin tungkol sa atin.  Kaya nga marapat lamang na maging malinaw sa atin ang layunin at motibasyon ng ating gawain. Kung sa ating puso at isip ang ating pangangaral ng Salita ng Diyos ay para sa ika-uunlad ng ating pagkilala sa ating Panginoong Hesus, harinawang malampasan natin ang anumang pagsubok o panlalait sa atin ng ating kapwa. Hindi natatago sa paningin ng Diyos ang ating mabuting gawain, at sa tulong ng Banal na Espiritu ay mabigyan nawa tayo ng karunungan upang mangaral at magpalaganap ng Mabuting Balita. Sikapin nating laging matatag sa ating pananampalataya sa ating Panginoong Hesus. - Sr. Edith Ledda, fsp | Daughters of St. Paul   Panalangin: Panginoong Hesus patuloy kang tumatawag ng mga maglilingkod sa simbahan at sambayanan. Maging bukas nawa ang bawat pamilya sa pagtugon sa banal na gawaing ito. Bigyan Mo po kami ng lakas ng loob sa lahat ng pagkakataon at oras, upang maipagpatuloy ang banal na gawaing ipinagkaloob sa amin. Amen.  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Sep 21, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Setyembre 20, 2023 – Miyerkules | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:27

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on September 21, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!