Mabuting Balita l Setyembre 21, 2023 – Huwebes | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Sep 21, 2023 · 5 MIN

Mabuting Balita l Setyembre 21, 2023 – Huwebes | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Setyembre 21, 2023 – Huwebes | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon Kapistahan ni San Mateo, apostol at ebanghelista #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH  Ebanghelyo: Mateo 9:9-13 Sa paglalakad ni Hesus, nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Mateo na nakaupo sa singilan ng buwis at sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” At tumayo si Mateo at sinundan s’ya. At habang nasa hapag si Hesus sa bahay ni Mateo, maraming taga-singil ng buwis at iba pang makasalanan ang lumapit at nakisalo kay Hesus at sa kanyang mga alagad. Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad: “Bakit kumaking kasama ng mga makasalanan at maninigil ng buwis ang inyong guro?” Nang marinig ito ni Hesus, sinabi niya: “Hindi ang malulusog ang nangangailangan ng doktor kundi ang mga may sakit! Sige, matutunan sana ninyo ang kahulugan ng ‘Awa ang gusto ko, hindi handog.’ Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti kundi ang mga makasalanan.”  Pagninilay: Bakit makasalanan si Mateo sa paningin ng mga Pariseo? Kasi isa siyang maniningil ng buwis o tax collector. Siya ang kumukuha ng buwis sa kanyang kapwa hudyo upang ibigay sa Imperyong Romano. Kaya naman itinuturing siyang taksil sa paningin nila at sakim dahil sa komisyon na kanyang nakukuha. Ito ang buhay ni Mateo bago tawagin ni Kristo, kinamumuhian dahil isang makasalanan. Pero mga kapanalig, ang bawat tao ay may kakayahang magbago katulad ni Mateo, kung tatanggapin natin ang paanyaya ni Kristo "Halika, sumunod ka sa akin…" akong bahala sa iyo. Naalala ko bago ako pumasok sa seminaryo, katulad ako ni Mateo. Saan nga lang ba ako natagpuan at pinulot ng Diyos? Sa isang lugar na malayo at hindi kilala, galing sa magulo at mahirap na pamilya, isang mahina, may kapintasan at nabubuhay sa kasalanan. Hinusgahan din ng ibang tao: "Hindi makakapari iyan, kasi hiwalay ang mga magulang, at hindi iyan tatagal, kasi walang pang paaral ang kanyang nanay." Kung si Mateo nililibak at nilalayuan dahil makasalanan, ako naman hinusgahan dahil sa magulang at mga kakulangan. Sabi ni Archbishop Jose Palma sa kanyang homiliya nung mag ordain siya ng anim na bagong pari: "We are not worthy, but God makes us worthy of this gift not because of the qualities one possesses, but because God qualifies us." Gaano man kaliit ang tingin natin sa sarili dahil sa ating pinagmulan, kahinaan at kasalanan, meron tayong Diyos na may malaking puso na lumilingap upang hindi tayo bumitaw sa pinili nating buhay. “Huwag kayong susuko, hindi ko kayo pababayaan!” Iyan ang pangako ng Panginoon. "Don't judge the book if it's not over." Huwag nating husgahan ang libro hangga't hindi pa natin nababasa ng kumpleto. Hangga't nabubuhay tayo, ang Panginoon hindi nauubusan ng magagandang plano. Huwag tayong susuko at mawawalan ng pag-asa anuman ang masamang sabihin ng iba. Tingnan nating halimbawa ang paru-paro, mula sa pagiging uod o caterpillar hanggang maging ganap ng butterfly. Hindi man maganda ang ating simula at nagawa, pero kay Kristo napapatawad ito at naitatama. Maganda yung sinabi ni Hesus sa Mabuting Balita: "Habag ang ibig ko at hindi hain sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan hindi ang mga banal." Amen. - Fr. Eduardo Regore Jr. – Diocese of Daet

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Sep 21, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Setyembre 21, 2023 – Huwebes | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 5:10

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on September 21, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!