Mabuting Balita l Setyembre 22, 2023 – Biyernes | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Sep 21, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Setyembre 22, 2023 – Biyernes | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Setyembre 22, 2023 – Biyernes | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH   Ebanghelyo: Lucas 8:1-3 Naglibot si Hesus sa bawat lunsod at bayan na nangangaral at ibinabalita ang Kaharian ng Diyos. Kasama niya ang Labindalawa at ilang mga babae na pinagaling sa masasamang espiritu at mga karamdaman: si Maria na tinaguriang Magdalena, na nilisan ng pitong demonyo, si Juana na asawa ni Kusa na katiwala ni Herodes, at si Susana at iba pang naglilingkod sa kanila mula sa kanilang kaya. Pagninilay: Mga kapanalig, napakinggan mo ba ang tinig ni Hesus? Halina, at sumunod ka sa akin, wika niya. Tayong lahat ay tinawag ni Hesus na sumunod sa kanya upang magpahayag ng mabuting balita ng kaligtasan. Magkakaiba man ang estado natin sa buhay, pari ka man o madre, may asawa o single, babae o lalaki, lahat tayo’y tinawag ni Hesus na sumunod sa kanyang mga yapak upang ipahayag ang Salita ng Diyos sa bawat tao.  Sa Mabuting Balita ngayong araw na ito, hindi lamang ang labindalawang alagad ang kasama ni Hesus. Meron din siyang kasamang mga babae na tagasunod niya. Nabanggit ang pangalan nina Maria Magdalena, ni Joanna at Susanna, at marami pang iba. At binabanggit din sa Mabuting Balita kung anong uri ng pagpapahayag ang ginagawa nila. Sila ay naglilingkod kay Hesus at sa labindalawang alagad sa pamamagitan ng pagbahagi ng mga ari-arian nila. Ang ibig sabihin, sila ang tumutustos sa mga pangangailangan ng mga nagpapahayag ng Mabuting Balita. Ang kanilang paglilingkod ay pakikiisa sa misyon ni Hesus at ng mga alagad. Sa panahon natin ngayon, sila ang ating tinatawag na mga Cooperators o collaborators sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Napakalaki ng kanilang bahagi sa misyon ng ebanghelisasyon ng bawat relihiyosong Institusyon ng Simbahan. Ang kanilang mga panalangin, pinansyal na suporta, at tulong ay malaking ambag upang mapalawak ng Simbahan ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Kapanalig, isa kang mahalagang bahagi sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Huwag mong ipagkait ang tulong na maibibigay mo. Ikaw, ako, tayong lahat, saan man tayo naroroon o anumang estado ng buhay natin ngayon, ay tinatawag ni Hesus, halika sumunod ka sa akin. - Sr. Pinky Barrientos, fsp | Daughters of St. Paul  Panalangin:  Panginoon, salamat po sa pagtawag sa akin na maging kaisa Mo sa misyon ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita.  Hindi man po ako karapat dapat dahil sa aking mga kahinaan at pagkukulang, pero dahil sa’yong grasya minarapat Mo akong maging katuwang sa Iyong misyon.  Kasihan Mo po ako ng Iyong Banal na Espiritu upang makatugon ako sa araw-araw na pagtawag Mo. Amen.  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Sep 21, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Setyembre 22, 2023 – Biyernes | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:41

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on September 21, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!