EPISODE · Sep 24, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Setyembre 25, 2023 – Lunes | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Setyembre 25, 2023 – Lunes | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH Ebanghelyo: Lucas 8: 16-18 Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Walang nagsisindi ng ilawan at tinatakpan ito ng palayok, o inilalagay sa ilalim ng higaan. Ipinapatong ito sa patungan para makita ng mga pumapasok ang liwanag. Walang nalilihim na di mabubunyag, di natatakpan at di mahahayag at malalantad. Kaya’t isip-isipin ninyo ang inyong naririnig dahil bibigyan pa nga ang mayroon at ang walang-wala naman kahit na ang akala n’yang kanya ay aagawin sa kanya. Pagninilay: Kay gandang pagmasdan ang sinindihang lampara kapag nasa dilim. Powerful ang ilaw. Matatawag nating influencer ang light dahil makapangyarihan ito kaysa sa dilim. Ikumpara natin ang ilaw bilang isang social media influencer. Sila ang nakapag-establish na ng credibility sa kanyang social media friends. Sila ang mga content creators na may access sa large audience. Kaya nilang mag-share ng information para mahikayat ang iba. Malaki ang kanilang reach. Kapanalig, tayong lahat inaasahang maging social media influencers na may mabuting layunin. Tulad ng advise ni Cardinal Luis Tagle sa mga kabataan na nag-participate sa World Youth Day sa Lisbon Portugal. Hinikayat niya sila na maging social media influencers sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Malaki ang tiwala ng ating Cardinal sa unang step nilang dapat gawin. Ito ay ang matuto sa ating Hesus Maestro kung paano’ng humikayat ng nararapat. Buong kababaang-loob pa na nakiusap si Cardinal Tagle sa mga kabataan. Sinabi niya na. “Pakiusap, mga kabataan ng Pilipinas, spread the influence of Hesus, the influence of truth, justice, ang pangangalaga sa kalikasan, pangangalaga sa kapwa-tao sa mundo ng social media. Sinabi pa niya na bilang Kristiyano, ang lahat ng “influencers” ay kailangang inspired by the Gospel at personally inspired mismo ng ating Panginoon. Kay gandang isipin na bilang influencer, maaari tayong maging binhi ng pagkakaisa, ng pakikipag-isa, at paggalang sa kapwa. Kung tutuusin, marami nang mga naging false influencers at marami ang nahikayat sa mali. Nabulagan sa maling impluwensya na hanggang ngayon nagsisisi sa naging maling desisyon. So, let us all be Jesus’ influencers in the cyberworld. Talunin natin ang mga fakers. Punuin natin ng ningning ng Balita ng Katotohanan ang social media! - Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp | Daughters of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Setyembre 25, 2023 – Lunes | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.