Mabuting Balita l Setyembre 26, 2023 – Martes | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Sep 25, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Setyembre 26, 2023 – Martes | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Setyembre 26, 2023 – Martes | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon San Cosme at Damian, mga martir #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH   Ebanghelyo: Lucas 8:19-21 Pinuntahan si Hesus ng kanyang ina at mga kapatid, pero hindi sila mangakalapit sa kaniya dahil sa dami ng tao.  May nagsabi sa kanya, Nakatayo sa labas ang iyong ina at imga kapatid, at gusto kang makita ka.  Sumagot siya at sinabi sa kanila. “Ang mga nakikinig sa mga salita ng Diyos at nag sasagawa nito.  Sila ang aking ina at aking mga kapatid.”   Pagninilay:    Kilala tayong mga Filipino para sa ating pagpapahalaga at pagmamahal sa pamilya, lalong-lalo na sa ating mga ina. Sa katunayan, ang pamilya ang kadalasang pangunahing dahilan ng pakikipagsapalaran ng ating mga OFW’s sa ibang bansa. Ilang mabubuting ama, ina, at mga anak ang hindi inalintana ang homesickness, pagod at sakripisyo ng pangingibang-bansa, upang mapaginhawa lamang ang Buhay ng kanilang mga pamilya. Ang kanilang pag-uwi ay tiyak na masayang pagsasama-sama muli, kahit na panandalian lamang.   Sa ating Mabuting Balita, narinig natin na bilang mabuting ina, dinalaw ni Maria si Hesus sa gitna ng kanyang pamamahayag ng kaharian ng Diyos. Pero, tila hindi niya binigyang-pansin ang kanyang ina at mga kamag-anak, na marahil naglakbay pa upang makita lamang siya. Hindi tinigil ni Hesus ang kanyang pangangaral, upang tahimik na silipin man lamang si Maria; sa halip, hayagan niyang pinapurihan si Maria hindi dahil siya ang kanyang Ina, kundi dahil siya ang modelo ng tunay na nakikinig at tumutupad sa kanyang mga salita. Dahil dito, itinanghal ni Hesus ang kanyang Ina bilang huwaran natin ng pagtalima at kababaang-loob.  Mga kapanalig, kung gayon ang ating pakikibahagi sa pamilya ng Diyos, mahalaga ang ating buong pusong pagtugon sa araw-araw na paanyaya sa atin ng Diyos, na tupdin ang kanyang kalooban. Tulad ng Inang Maria, hindi natin kailangang laging maunawaan ang plano ng Diyos para sa atin; ang mahalaga ay ang ating buong tiwalang pagsang-ayon at pakikiisa. Kaya sa mga pagkakataong hindi natin lubusang maintindihan ang kalooban ng Diyos, nawa’y lumapit tayo sa ating Mahal na Ina, upang sa kabila ng ating mga pag-aalinlangan, lakas loob din nating masabi tulad niya, “Maganap nawa sa akin ang ayon sa wika mo.” Amen. - Cl. Russel Matthew Patolot, ssp | Society of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Sep 25, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Setyembre 26, 2023 – Martes | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:18

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on September 25, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!