Mabuting Balita l Setyembre 27, 2023 – Miyerkules | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Sep 26, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Setyembre 27, 2023 – Miyerkules | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Setyembre 27, 2023 – Miyerkules | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon San Vicente de Paul, pari #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH  Ebanghelyo: Lucas 9:1-6 Tinawag ni Hesus ang Labindalawa at binigyan sila ng lakas - kapangyarihan para supilin ang lahat ng demonyo at magpagaling ng mga sakit. Sinugo niya sila para ipahayag ang Kaharian ng Diyos at magbigay-lunas. Sinabi niya sa kanila: “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglakad, ni tungkod, ni supot, ni tinapay, ni salapi; huwag kayong magkaroon ng tigalawang bihisan. Sa alinmang bahay kayo makituloy, doon kayo tumigil hanggang sa pag-alis ninyo. Kung may hindi tatanggap sa inyo, umalis kayo sa bayang iyon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa bilang sakdal laban sa kanila.” Kaya nga lumabas sila at dumaan sa lahat ng bayan na nangangaral at nagpapagaling saanman.   Pagninilay: Mga kapanalig, ang maging tagasunod ng ating Panginoong Hesus ay may isang katangiang dapat taglayin. Ito ang radikal na pagsuko ng pansariling kalooban, upang ang kalooban ng ating Panginoong Hesus ang dapat sundin. Noong pinili ang labing dalawang apostoles, binigyan sila ng kapangyarihang supilin ang demonyo at magpagaling ng mga maysakit. Sa mga gawaing ito, may tagubilin ang Panginoong Hesus na walang anumang dadalhin; ni pagkain, ni salapi, ni tungkod at iba pa sa paglalakbay. Ang tanging maging dapat na layunin ng mga apostoles ay ipalaganap ang kaharian ng Diyos. Tulad ng mga apostoles, ang mga tinatawag na maging misyonero, misyonera, pari at madre, ay nangangailangan ng mahabang panahon ng paghuhubog. Ito ang ginagawa sa ating mga seminaryo at sa mga kumbento ng mga madre. Lahat, dapat na magdaan sa pagsasanay:  una, sa pananalangin, sa mga katuruan ng Simbahan, sa kaalaman ng espiritwalidad ng kongregation, sa pakikipagkapwa tao at sa paghuhubog ng sarili bilang tao. Hindi madali ang maging tagapangaral ng Salita ng Diyos sa mga panahon ngayon. May mga pagkakataon na ang social media at makabagong teknolohiya ay nagdudulot ng hindi malinaw na aral na dapat din nating ituwid. May mga pagkakataon din, na nababaluktot ang katotohanan at ang hindi tamang pang- unawa ay lumalaganap. Manalangin tayo, upang pagkalooban tayo ng mga kabataang susunod sa yapak ng mga taong naglilingkod at nangangaral ng Salita ng Diyos. Ipanalangin natin ang ating Sto. Papa, Pope Francis, mga obispo, pari, misyonero, misyonera upang maging matatag sa kanilang banal na gawain. Amen. - Sr. Edith Ledda, fsp | Daughters of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Sep 26, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Setyembre 27, 2023 – Miyerkules | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:24

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on September 26, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!