Mabuting Balita l Setyembre 28, 2023 - Huwebes | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Sep 27, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Setyembre 28, 2023 - Huwebes | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Setyembre 28, 2023 - Huwebes | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon San Lorenzo Ruiz at mga kasama, mga martir #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH  Ebanghelyo: Lucas 9:7-9 Nabalitaan ng tetrarkang si Herodes ang lahat ng pangyayari at litung-lito siya dahil may nagsasabing nabuhay mula sa mga patay si Juan. Sinabi naman ng iba na nagpakita si Elias, at nang iba pa na isa sa Mga Propeta noon ang bumangon. At sinabi ni Herodes: “Pinapugutan ko si Juan; sino nga kaya itong nababalitaan kong gumagawa ng mga iyon?” Kaya sinikap niyang makita si s’ya.   Pagninilay: Narinig natin sa Mabuting Balita ngayon, na nabagabag si Herodes dahil sa mga nababalitaan niya tungkol kay Hesus. May mga taong nagsasabi na si Hesus ay si Juan na Bautista na muling nabuhay, o si Elias na bumalik, o isa sa mga propeta noon na muling nabuhay. Naguluhan si Herodes at nais niyang makita si Hesus. Ipinagdiriwang natin ngayon ang kapistahan ni San Lorenzo Ruiz at mga kasamang martir. Siya ang unang santo ng Pilipinas. Ang pagninilay na maaari nating makuha mula sa ating Kapistahan, at sa ating Mabuting Balita ay ang tungkol sa pagkilala natin kay Hesus bilang ating Panginoon at Tagapagligtas. Si Herodes ay hindi nakakilala kay Hesus, kahit na marami na ang nagpapatotoo sa kanya. Siya ay naguluhan at natakot sa posibilidad na may iba pang makapangyarihan na lumilitaw sa kanyang nasasakupan. Siya ay hindi naghanap ng katotohanan, kundi ng kapakanan lamang niya.   Si San Lorenzo Ruiz naman ay nakakilala kay Hesus, at handa siyang magtiis at mamatay para sa kanya. Hindi siya nag-atubili o nag-alinlangan sa kanyang pananampalataya, kahit na harapin niya ang pinakamatinding paghihirap. Hindi siya naghangad ng karangalan o yaman, kundi ng kaluwalhatian ng Diyos.   Mga kapanalig, sa ating buhay, katulad ba tayo ni Herodes o ni San Lorenzo Ruiz? Kilala ba natin si Hesus bilang ating Panginoon at Tagapagligtas? Handa ba tayong sundin ang kanyang kalooban at magtiwala sa kanyang pagmamahal? O tayo ba ay naguguluhan at natatakot sa mga hamon at pagsubok na dumarating sa atin? Hinahanap ba natin ang katotohanan o ang sarili nating kapakanan? Sa araw ng kapistahan ni San Lorenzo Ruiz, ipanalangin natin, na matularan ang kanyang halimbawa ng katapatan, katatagan, at kabayanihan. Ipagdasal din natin ang mga Pilipino na nasa ibang bansa, lalo na ang mga nahihirapan o inaapi dahil sa kanilang pananampalataya. Hilingin natin kay San Lorenzo Ruiz na ipamagitan tayo kay Hesus, upang makilala natin siya nang lubos at mahalin siya nang wagas. Amen. - Fr. Rolly Garcia Jr. | Director, Commission on Biblical Apostolate – Archdiocese of Manila  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Sep 27, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Setyembre 28, 2023 - Huwebes | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:29

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on September 27, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!