Mabuting Balita l Setyembre 30, 2023 – Sabado | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Sep 29, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Setyembre 30, 2023 – Sabado | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Setyembre 30, 2023 – Sabado | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon San Geronimo, pari at pantas ng Simbahan #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH  Ebanghelyo: Lucas 9:43b-45 Nang lubos na nagtataka ang lahat dahil sa mga ginagawa ni Hesus, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Itanim ninyong mabuti sa inyong pandinig ang mga kataga kong ito: Ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao.” Hindi nila naintindihan ang pahayag na ito at nalingid ito sa kanila upang hindi nila maunawaan. At takot naman silang magtanong sa kanya tungkol sa pahayag na ito.  Pagninilay: Taong 2012 bago ako pumasok sa seminaryo, ininterview po ako ng isang Obispo. Matapos mag-usap, pinaalalahanan niya ako ng ganito: “Vinz, hindi langit ang seminaryo. Kung minsan dun mo pa makakasalamuha ang mga taong hindi mo inaasahan...” Bago ako pumasok, baon ko lamang ang mga salita niya sa aking puso’t isipan. Habang tumatagal ako sa loob, dumadami ang mga nakikilala’t nararanasan—lagi kong naaalala ang sinabi ni Bishop. Masasabi ko, na naintindihan ko na si Bishop matapos ang halos 11 years ko sa loob ng seminaryo. At tiyak kong maaaring higit pa sa mga susunod na taon. Sa ating Mabuting Balita, maihahalintulad ko ang aking karanasan sa nangyari sa mga Apostol ng ating Panginoong Hesus. Masaya sila dahil, yes… kung minsan may mga tagpong mistulang bigo sila…pero gagawa ng Milagro si Hesus—nagpapagaling, nagpapakain ng marami, bumubuhay ng patay, nagpapaalis ng mga demonyo at iba pa. mula kabiguan, may tagumpay, dahil may Hesus! Pero ngayon, di nila maintindihan pang lubos… bakit sinasabi niyang mamamatay siya at maghihirap sa kamay ng mga namumuno? Hindi nila lubos maintindihan. Valid naman ang sentiments ng mga apostol. Gayunpaman, nais sa ating ituro ni Hesus, na bagamat laging may tagumpay sa piling niya…huwag nating kalimutan ang krus ng paghihirap at pagkamatay. Maganda ho ang tinuran ni Ven. Fulton Sheen: "It is part of the discipline of God to make His loved ones perfect through trial and suffering. Only by carrying the Cross can one reach the Resurrection." Mga kapanalig, sa mga pagkakataong hindi natin maintindihan ang mga sitwasyon, mistulang talo’t bigo, manatili nawa tayong matatag sa pag-asa’t pananampalatayang mayroong Hesus na maghahatid ng tagumpay!     - Cl. Vinz Aurellano, ssp | Society of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Sep 29, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Setyembre 30, 2023 – Sabado | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:10

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on September 29, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!