Mabuting Balita l Setyembre 4, 2023 – Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Sep 3, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Setyembre 4, 2023 – Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Setyembre 4, 2023 – Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH  Ebanghelyo: Lucas 4:16-30 Pagdating ni Hesus sa Nazaret, kung saan siya lumaki, pumasok siya sa sinagoga sa Araw ng pahinga ayon sa kanyang kinaugalian. Tumindig siya para bumasa ng Kasulatan, at iniabot sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Sa paglaladlad niya sa rolyo, natagpuan niya ang lugar kung saan nasusulat: “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon kayat pinahiran niya ako upang ihatid ang Mabuting Balita sa mga dukha. Sinugo niya ako upang ipahayag ang paglaya sa mga bilanggo, sa mga bulag ang pagkabawi ng paningin, upang bigyang-ginhawa ang mga api, at ipahayag ang taon ng kabutihang-loob ng Panginoon.” Binilot ni Hesus ang aklat, ibinigay ito sa tagapaglingkod at naupo. At nakatuon sa kanya ang mga mata ng lahat ng nasa sinagoga. Sinimulan niyang magsalita sa kanila: “Isinakatuparan ang Kasulatang ito ngayon habang nakikinig kayo.” At sumang-ayon silang lahat sa kanya habang nagtataka sa gayong pagpapahayag ng kabutihang-loob ng Diyos na nanggaling sa kanyang bibig. At sinabi nila: “Hindi ba’t ito ang anak ni Jose?” Sinabi ni Hesus sa kanila: “Tiyak na babanggitin ninyo sa akin ang kasabihang: ‘Manggagamot, pagalingin mo ang iyong sarili! Gawin mo rin dito sa iyong bayan ang mga bagay na narinig naming ginawa mo sa Capernaum’.  Talagang sinasabi ko: walang propetang katanggap-tanggap sa sarili niyang bayan. Tinitiyak ko sa inyo na maraming babaeng balo noon sa kapanahunan ni Elias nang sarhan ang Langit sa loob ng tatlo’t kalahating taon at nagkaroon ng matinding tag-gutom sa buong lupain. Gayon pa ma’y hindi ipinadala si Elias sa isa man sa kanila kundi sa babeng balo ng Sarepta sa may Sidon. Marami ring may ketong sa Israel sa kapanahunan ni propeta Eliseo pero wala sa kanilang pinagaling kundi ang Siriong si Naaman.” Napuno ng galit ang lahat sa sinagoga pagkarinig dito, tumindig sila at ipinagtulakan siya sa labas ng bayan. Dinala nila siya sa gilid ng burol na kinatatayuan ng kanilang bayan upang ihulog. Ngunit dumaan siya sa gitna nila at umalis.   Pagninilay: Nakakapanlumo ang pa-welcome kay Hesus ng kanyang mga kababayan sa Nazaret. Opo, pinuri nila siya, humanga sila sa napakahusay niyang pananalita.  Pero hindi naman talaga nila naisapuso ang mensahe, at pagpapalang dala ng presensiya ni Hesus.   Nakatuon lamang sila kay Hesus bilang anak ni Jose, ang karpintero. Sa dulo ng Mabuting Balita, nagalit pa sila!  Itinaboy si Hesus palabas, papunta sa gilid ng bundok upang ihulog sa bangin. Mga kapanalig, hindi ba may mga pagkakataon din, na inilalagay natin sa kahon ng kanyang nakaraan ang ating kapwa, na para bagang walang kapangyarihan ang Panginoong baguhin ang kanyang buhay? Alalahanin natin, na inakay tayo ng Panginoon sa ating pinagpalang kinalalagyan ngayon, dahil hindi nakabase sa ating nakaraan ang Kanyang plano sa bawat isa sa atin. Manalig tayo sa kapangyarihan ng Panginoong baguhin at puspusin ng Kanyang pagpapala ang ating buhay, ano pa man ang ating nakaraan. Nais ng Panginoong pagpalain ang Kanyang mga anak, nawa’y matuto tayong ituon ang ating mga mata sa mga dakilang bagay na ginawa Niya sa ating buhay, at sa buhay ng ating kapwa. Amen.  - Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Sep 3, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Setyembre 4, 2023 – Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:51

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on September 3, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!