Mabuting Balita l Setyembre 5, 2023 - Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Sep 4, 2023 · 4 MIN

Mabuting Balita l Setyembre 5, 2023 - Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Setyembre 5, 2023 - Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH  Ebanghelyo: Lucas 4:31-37 Bumaba si Hesus sa Capernaum na isang bayan ng Galilea, kung saan niya nakaugaliang magturo tuwing Araw ng Pahinga. At nagulat ang mga tao sa kanyang aral dahil nagtuturo siya nang may kapangyarihan. May isang tao sa sinagoga na inaalihan ng maruming demonyo, na sumigaw nang malakas. “Ah, ano ang pakialam mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Para ipahamak kami kaya ka dumating. Alam ko kung sino ka, ang Banal ng Diyos!” “Tumahimik ka at lumabas sa kanya!” Pagkatapos ibulagta ng demonyo ang tao sa gitna nila, lumabas ito mula sa kanya nang hindi sinasaktan. Pagtataka ang sumalahat at nag-usap-usap sila: “Ano ito? Nakapag-uutos siya sa maruruming espiritu nang may kapangyarihan at lakas, at lumalabas sila!” Kayat kumalat ang usap-usapan tungkol sa kanya sa lahat ng lugar sa kabayanan.  Pagninilay: Sunud-sunod ang mga nagdaang bagyo na nagdulot ng malaking perwisyo sa ating kabuhayan lalo na sa mga magsasaka at mangingisda, at pinsala sa maraming lugar. Dagdag pa rito ang mga sakuna gaya ng bangkang tumaob papunta sa Isla ng Talim sa Rizal na naging sanhi ng pagpanaw ng marami. Kaya’t may nagtanong sa akin: “Nakikita pa ba kami ng Diyos? Pinaparusahan ba niya kami? Bakit niya kami hinahayaang maghirap?” Mga kapanalig, ang Panginoong Diyos ay mapagkalingang Ama. Alam Niya kung anuman ang pinagdaraanan natin, at kasama natin siya sa lahat ng pagsubok. Gaya ng narinig natin sa Mabuting Balita sa araw na ito. Ang lalaking inaalihan ng masamang espiritu ang nagtanong: “Ano ang pakialam mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami? Kilala kita. Ikaw ang Banal na mula sa Diyos.” Sinaway siya ni Hesus at pinalabas Niya ang demonyo mula sa lalaki nang hindi siya sinasaktan. Makapangyarihan ang pananalita ni Hesus at hindi niya tayo hahayaang masaktan. Namangha ang mga nakasaksi sa exorcism na ginawa ni Hesus – na nauwi sa pagtatanong at pagkalat ng balitang may bagong manggagamot sa Capernaum. Nangungusap ang Diyos sa lahat ng mga pangyayari sa ating buhay –malungkot man ito o masaya, maingay o tahimik, kagila-gilalas o karaniwan. Kaya lang, madalas hindi natin siya marinig dahil nagpapadala tayo sa takot at pangamba na pinababayaan niya tayo, na wala siyang pakialam sa atin. Kapanalig, buksan mo ang iyong mata upang makita ang mumunting milagro at mga anghel na ipapadala niya. At bago ka matulog mamaya, balikan mo ang mga pangyayari sa araw na ito at magpasalamat sa Kanya.  - Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul  

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Sep 4, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Setyembre 5, 2023 - Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 4:42

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 4 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on September 4, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!