Mabuting Balita l Setyembre 7, 2023 – Huwebes | Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon episode artwork

EPISODE · Sep 6, 2023 · 5 MIN

Mabuting Balita l Setyembre 7, 2023 – Huwebes | Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon

from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

Mabuting Balita l Setyembre 7, 2023 – Huwebes | Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH  Ebanghelyo: Lucas 5:1-11 Dinagsa si Hesus ng napakaraming taong nakikinig sa Salita ng Diyos at nakatayo naman siya sa baybayin ng Lawa ng Genesaret. Nakita niya noon ang dalawang bangka sa baybay. Kabababa pa lamang ng mga mangingisda mula sa mga ito para hugasan ang mga lambat. Kaya sumakay siya sa isa rito na pag-aari ni Simon at hiniling dito na lumayo ng kaunti mula sa dalampasigan. Umupo siya at mula sa bangka’y sinimulang turuan ang maraming tao. Matapos siyang magsalita, sinabi niya kay Simon: “Pumalaot ka at ihulog ninyo ang inyong mga lambat para humuli.” “Guro, buong magdamag kaming nagpagod at wala kaming nakuha pero dahil sinabi mo, ihuhulog ko ang mga lambat.” At nang gawin nila ito, nakahuli sila ng napakaraming isda kaya halos magkandasira ang kanilang mga lambat. Kaya kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa kabilang bangka para lumapit at tulungan sila. Dumating nga ang mga ito at pinuno nila ang dalawang bangka hanggang halos lumubog ang mga iyon. Nang makita ito ni si Simon Pedro, nagpatirapa siya sa harap ni Hesus at sinabi: “Lumayo ka sa akin, Panginoon, sapagkat taong makasalanan lamang ako.” Talaga ngang nasindak siya at ang lahat niyang kasama dahil sa huli ng mga isda na nakuha nila. Gayundin naman ang mga anak ni Zebedeo na sina Jaime at Juan na mga kasama ni Simon. Ngunit sinabi ni Hesus kay Simon: “Huwag kang matakot; mula ngayo’y mga tao ang huhulihin mo.” Kayat nang madala na nila ang mga bangka sa lupa, iniwan nila ang lahat at sumunod sa kanya.  Pagninilay: Mga kapanalig, posible ang lahat ng bagay kung kaagapay natin ang Panginoon sa ating buhay. Ito ang pinatotohanan ng ating Mabuting Balita ngayon. Magdamag na nangisda sina Simon Pedro at mga kasama niya, pero wala silang nahuli kahit isa man lamang na isda. Pero nang iminungkahi ni Hesus na magsipalaot sila at ihulog na muli ang lambat, napakaraming isda ang kanilang nahuli.  Minsan, umiiral sa ating pagkatao ang pagiging sobrang bilib sa sarili. Hanggang sa umabot tayo sa puntong parang binabalewala na natin ang Diyos. Kumikilos tayo na para bang naka depende ang lahat sa ating kakayahan. Totoo na pinagkalooban tayo ng Diyos ng sapat na talino at kakayahan, na kinakailangan nating payabungin at gamitin sa tama, para sa ikabubuti ng ating sarili at kapwa. Pero minsan, hindi natin ginagamit ang ating talino at kakayahan sa tamang paraan. Lalo na kapag umiiral ang ating kumpiyansa sa sarili, at bilib na bilib tayo, na ang tinamo nating mga tagumpay ay bunga ng ating sariling pagsisikap, kaalaman at abilidad. Kapag ganito na ang ating disposisyon, parang binabalewala na natin ang Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng grasya upang mapagtagumpayan ang mga hamon at balakid na nararanasan natin sa buhay.  Hilingin natin sa Panginoon ang biyayang matanto, na lahat ay grasya na dapat nating ipagpasalamat sa Kanya. - Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughters of St. Paul  Panalangin:  Panginoon, buksan Mo po ang aking mga mata, puso at isipan upang makilala ang aking tunay na pagkatao.  Na ako’y isang makasalanan sa harap Mo, na nangangailangan ng Iyong awa at grasya. Tulungan Mo po akong maunawaan ang Iyong Salita na siyang bukal ng Katotohanan, at ilaw na tumatanglaw sa aking landas at nagbibigay liwanag sa aking isipan. Amen.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Sep 6, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

Mabuting Balita l Setyembre 7, 2023 – Huwebes | Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon

0:00 5:10

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of PAULINES?

This episode is 5 minutes long.

When was this PAULINES episode published?

This episode was published on September 6, 2023.

Can I download this PAULINES episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!