EPISODE · Sep 7, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Setyembre 8, 2023 – Biyernes | Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Setyembre 8, 2023 – Biyernes | Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH Ebanghelyo: Mateo 1:16, 18-23 Si Jacob ang ama ni Jose-ang asawa ni Maria na siyang pinagmulan ni Hesus na tinawag na Kristo. Ito ang pangyayaring napapaloob sa kapanganakan ni Hesukristo. Ipinagkasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria pero bago sila nagsama bilang mag-asawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo. Kaya binalak ni Jose na hiwalayan nang lihim ang kanyang asawa. Matuwid nga siya at ayaw niya itong mapahiya. Habang iniisip-isip niya ito, napakita sa kanya sa panaginip ang Anghel ng Panginoon at sinabi: “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria bilang iyong asawa. Gawa ng Espiritu Santo kaya siya naglihi, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki, na pangangalanganan mong Hesus sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang sambayanan mula sa kanilang mga kasalanan.” Nangyari ang lahat ng ito para matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga propeta: “Maglilihi ang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin siyang Emmanuel, na ibig sabihi’y “nasa atin ang Diyos.” Pagninilay: May nabasa akong isang anecdote. Minsan daw nag uusap-usap ang mga bulaklak sa isang burol. Mas matingkad ang kulay, ba mas maganda. Mas matayog ang tindig, ah mas maganda. May isang puting bulaklak na bigla na lang tumindig, nagstand-out, puting puti—lily ang pangalan. Lahat ng bulaklak na nagpapagandahan ay lumingon sa lily, sila may nabighani din sa ganda nito. Bigla na lamang may dumaan na isang babae, sobrang ganda din, puting-puti din ang damit. Kaya naman, napayuko ang lily—ito may nabighani din at nagandahan sa babae na ang ngalan daw ay Maria. Mga kapanalig, Kapistahan ngayon ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria—Ina ng ating Panginoong Hesus. Mahalagang alalahanin na hindi natin sinasamba si Maria, siya’y binibigyan natin ng mataas na parangal, tanda din ng ating masidhing pasasalamat sa Diyos. Ang paghirang ng Diyos kay Maria, ay isang tanda na sa kabila ng pagkakasala ng tao—pinagkakatiwalaan at mahalaga pa din tayo sa Diyos. Ang pagsang-ayon ni Maria na maging Ina ng Diyos ay isa sa mga plot-twist ng ating buhay pananampalataya. Muling niligawan ng Diyos ang tao, at umOO tayo, sa pamamagitan ni Maria, na makamit ang kaligtasan—makasama ang Diyos habang buhay. – Cl. Vinz Aurellano, ssp l Society of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Setyembre 8, 2023 – Biyernes | Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.