EPISODE · Sep 8, 2023 · 4 MIN
Mabuting Balita l Setyembre 9, 2023 - Sabado | Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
from PAULINES · host Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
Mabuting Balita l Setyembre 9, 2023 - Sabado | Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH Ebanghelyo: Lucas 6:1-5 Isang Araw ng Pahinga, naglalakad si Hesus sa bukirin ng trigo. Nangyari na hinimay ng kanyang mga alagad ang mga butil sa pagkiskis sa kanilang mga kamay, at kinain ang mga ito. Sinabi ng ilang Pariseo: “Bakit n’yo ginagawa ang ipinagbabawal sa Araw ng Pahinga?” Ngunit nagsalita si Hesus at sinabi niya sa kanila: “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at kanyang mga kasama? Pumasok siya sa Bahay ng Diyos, kinuha ang tinapay na inihain para sa Diyos, kinain ito at binigyan pa ang kanyang mga kasamahan, gayong bawal itong kainin ninuman liban sa mga pari.” At sinabi pa niya sa kanila: “Panginoon ng Araw ng Pahinga ang Anak ng Tao.” Pagninilay: Mga kapanalig, pamilyar marahil kayo sa mga salitang: wala naman sa konteksto yung sinabi niya o ginawa. ‘Di ba malimit nating marinig iyan o mabasa sa social media? Mahalaga ang konteksto para maintindihan natin ang “bakit” sa likod ng isang aksyon o salita. “Bakit niya ginawa iyon?” “Bakit niya sinabi iyon?” Kung uunawain natin ang konteksto, maiiwasan nating maging mapanghusga sa kapwa. Sa Mabuting balita ngayon, mabilis na pinaratangan ng mga Pariseo ang mga disipulo. Dahil sa diumano’y hindi nila pag obserba sa batas ng Sabat, nang pumitas sila ng mga butil ng trigo upang kainin. Ang konteksto, bakit pumitas? Dahil nagugutom sila. “Di ba, basic human need ‘yon? Pero, para sa mga Pariseo ang pagpitas ng mga butil ng trigo sa araw ng Sabat ay isang paglabag sa araw ng pamamahinga. ‘Di ba merong kasabihan sa ingles na ganito: “Observe the spirit and not the letter of the law?” Ano ang ibig sabihin nito? Ang batas ay dapat nakabatay sa pagkakawanggawa at bukas sa pagtulong sa nangangailangan, at hindi hinahamak ang dignidad ng tao. Hindi tama na maging instrumento ang batas para pahirapan ang tao. Mga kapanalig, inaanyayahan tayo ng mabuting balita na tingnan ang ating mga puso at suriin ang ating mga sarili. Meron ba tayong ugali na tulad sa mga Pariseo? Mabilis ba tayong manghusga at magparatang sa ating kapwa nang walang basehan o konkretong ebidensiya? Isipin natin na kapag itinuro natin ang ating hintuturo upang husgahan ang ating kapwa, tatlo sa ating mga daliri ang nakaturo sa atin. - Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughters of St. Paul
Embed this episode
NOW PLAYING
Mabuting Balita l Setyembre 9, 2023 - Sabado | Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.