Psalm 1 (Awit 1)
from Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) Hosted by Myla Joy Cunanan
Mapalad ang Taong Matuwid 1 Mapalad ang taong hindi namumuhay ayon sa payo ng masasama, o sumusunod sa mali nilang halimbawa, at hindi nakikisama sa mgataong nangungutya. 2 Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral na mula sa Panginoon, at araw-gabi ito ay kanyang pinagbubulay-bulayan. 3 Ang katulad niyaʼy isang punongkahoy na itinanim sa tabi ng sapa, na namumunga sa takdang panahon at hindi nalalanta ang mga dahon. Magtatagumpay siya sa anumang kanyang ginagawa. 4 Ngunit iba ang mga taong masama; silaʼy parang ipa na tinatangay ng hangin. 5 Parurusahan sila ng Dios sa araw ng paghatol, at ihihiwalay sa mga matuwid. 6 Sapagkat pinapatnubayan ng Panginoon ang mga matuwid, ngunit ang buhay ng taong masama ay hahantong sa kapahamakan.
Embed this episode
No transcript yet.