EPISODE · May 11, 2021 · 2 MIN
Psalm 11 (Awit 11)
from Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) · host Myla Joy Cunanan
Pagtitiwala sa Panginoon 1 Nagtitiwala ako sa Panginoon na aking kanlungan. O tao, bakit ninyo sinasabi sa akin, “Tumakas ka papuntang kabundukan, at lumipad tulad ng ibon.[a] 2 Inihanda na ng mga masama ang kanilang mga pana, para panain nang palihim ang mga matuwid. 3 Ano ang magagawa ng mga matuwid kung ang batas na pundasyon ng bayan ay wala nang halaga?” 4 Ang Panginoon ay nasa kanyang templo; at nasa langit ang kanyang trono. Tinitingnan niya at sinisiyasat ang lahat ng tao. 5 Sinisiyasat niya ang matutuwid at masasama. At siyaʼy napopoot sa malulupit. 6 Pauulanan niya ng lumalagablab na baga at asupre ang masasama; at ipapadala niya ang mainit na hangin na papaso sa kanila. 7 Dahil ang Panginoon ay matuwid at iniibig niya ang mga gawang mabuti, kaya ang mga namumuhay nang tama ay makakalapit sa kanya.[b] Footnotes 11:1 Tumakas … ibon: Ito ang nasa Septuagint at Syriac. Sa Hebreo, Ibon, tumakas kayo sa inyong bundok. 11:7 makakalapit sa kanya: sa literal, makakakita sa mukha niya. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
What this episode covers

NOW PLAYING
Psalm 11 (Awit 11)
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
Jun 15, 2022 ·8m