EPISODE · May 12, 2021 · 2 MIN
Psalm 12 (Awit 12)
from Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) · host Myla Joy Cunanan
Panalangin para Tulungan ng Dios 1 Panginoon, tulungan nʼyo po kami, dahil wala nang makadios, at wala na ring may paninindigan. 2 Nagsisinungaling sila sa kanilang kapwa. Nambobola sila para makapandaya ng iba. 3 Panginoon, patigilin nʼyo na sana ang mga mayayabang at mambobola. 4 Sinasabi nila, “Sa pamamagitan ng aming pananalita ay magtatagumpay kami. Sasabihin namin ang gusto naming sabihin, at walang sinumang makakapigil sa amin.” 5 Sinabi ng Panginoon, “Kikilos ako! Nakikita ko ang kaapihan ng mga dukha, at naririnig ko ang iyakan ng mga naghihirap. Kayaʼt ibibigay ko sa kanila ang pinapangarap nilang kaligtasan.” 6 Ang pangako ng Panginoon ay purong katotohanan, gaya ng purong pilak na pitong ulit na nasubukan sa nagliliyab na pugon. 7 Panginoon, nalalaman namin na kami ay inyong iingatan, at ilalayo sa masamang henerasyong ito magpakailanman. 8 Pinalibutan nila kami, at pinupuri pa ng lahat ang kanilang kasuklam-suklam na gawain.
What this episode covers

NOW PLAYING
Psalm 12 (Awit 12)
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
Jun 15, 2022 ·8m