Skip to content
Psalm 14 (Awit 14) episode artwork

May 14, 2021 2 min

Psalm 14 (Awit 14)

from Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) Hosted by Myla Joy Cunanan

Ang Kasamaan ng Tao 1 “Walang Dios!” Iyan ang sinasabi ng mga hangal sa kanilang sarili. Masasama sila at kasuklam-suklam ang kanilang mga gawa. Ni isa sa kanila ay walang gumagawa ng mabuti. 2 Mula sa langit, tinitingnan ng Panginoon ang lahat ng tao, kung may nakakaunawa ng katotohanan at naghahanap sa kanya. 3 Ngunit ang lahat ay naligaw ng landas at pare-parehong nabulok ang pagkatao. Wala kahit isa man ang gumagawa ng mabuti. 4 Kailan kaya matututo ang masasamang tao? Sinasamantala nila ang aking mga kababayan para sa kanilang pansariling kapakanan. At hindi sila nananalangin sa Panginoon. 5 Ngunit darating ang araw na manginginig sila sa takot, dahil kakampihan ng Dios ang mga matuwid. 6 Sinisira ng masasamang tao ang mga plano ng mga dukha, ngunit ang Panginoon ang magiging kanlungan nila. 7 Dumating na sana ang Tagapagligtas ng Israel mula sa Zion! Magsasaya ang mga Israelita, ang mga mamamayan ng Panginoon, kapag naibalik na niya ang kanilang kasaganaan. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®

Episode details come from the podcast's RSS feed.

Embed this episode

Ready to play

Psalm 14 (Awit 14)

0:00 2:48

No transcript yet.

Requests help us decide what to transcribe next.

Frequently asked questions

How long is this episode of Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)?

This episode is 2 minutes long.

When was this Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) episode published?

This episode was published on May 14, 2021.

Can I download this Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.