Psalm 2 (Awit 2) episode artwork

EPISODE · Apr 27, 2021 · 2 MIN

Psalm 2 (Awit 2)

from Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) · host Myla Joy Cunanan

Ang Haring Hinirang ng Panginoon 1 Bakit nagsipagtipon ang mga bansa sa pagpaplano ng masama? Bakit sila nagpaplano ng wala namang patutunguhan? 2 Ang mga hari at mga pinuno sa mundo ay nagsama-sama, at nagsipaghanda sa pakikipaglaban sa Panginoon, at sa hari na kanyang hinirang. 3 Sinabi nila, “Huwag tayong pasakop o sumunod man sa kanilang pamamahala!” 4 Ngunit siyang nakaupo sa kanyang trono sa langit ay natatawa lang, at kumukutya sa kanila. 5 Sa galit ng Dios, silaʼy binigyang babala, at sa tindi ng kanyang poot silaʼy natatakot. 6 Sinabi niya, “Iniluklok ko na ang hinirang kong hari sa kanyang trono sa Zion,[a] sa banal kong bundok.” 7 Sinabi ng hari na hinirang ng Dios, “Sasabihin ko ang sinabi sa akin ng Panginoon: ‘Ikaw ang Anak ko, at ngayon, ipapahayag ko na ako ang iyong Ama.[b] 8 Hilingin mo sa akin ang mga bansa sa buong mundo, at ibibigay ko ito sa iyo bilang mana mo. 9 Pamumunuan mo sila, at walang sasalungat sa iyong pamamahala. Silaʼy magiging parang palayok na iyong dudurugin.’ ” 10 Kaya kayong mga hari at pinuno sa buong mundo, unawain ninyo ang mga salitang ito at pakinggan ang mga babala laban sa inyo. 11 Paglingkuran ninyo ang Panginoon nang may takot, at magalak kayo sa kanya. 12 Magpasakop kayo sa hari na kanyang hinirang, kung hindi ay baka magalit siya at kayoʼy ipahamak niya. Mapalad ang mga nanganganlong sa Panginoon.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Apr 27, 2021

Embed this episode

NOW PLAYING

Psalm 2 (Awit 2)

0:00 2:34

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)?

This episode is 2 minutes long.

When was this Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) episode published?

This episode was published on April 27, 2021.

Can I download this Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!