EPISODE · May 23, 2021 · 2 MIN
Psalm 23 (Awit 23)
from Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) · host Myla Joy Cunanan
Ang Panginoon ay Tulad ng Isang Pastol 23 Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang ng anuman. 2 Tulad ng tupa, pinagpapahinga niya ako sa masaganang damuhan, patungo sa tahimik na batisan akoʼy kanyang inaakay. 3 Panibagong kalakasan akoʼy kanyang binibigyan. Pinapatnubayan niya ako sa tamang daan, upang siyaʼy aking maparangalan. 4 Kahit dumaan ako sa pinakamadilim na libis, hindi ako matatakot dahil kayo ay aking kasama. Ang dala nʼyong pamalo[a] ang sa akin ay nag-iingat; ang inyo namang tungkod ang gumagabay at nagpapagaan sa aking kalooban. 5 Ipinaghanda nʼyo ako ng piging sa harap ng aking mga kaaway. Pinahiran nʼyo ng langis ang aking ulo, tanda ng inyong pagtanggap at parangal sa akin. At hindi nauubusan ng laman ang aking inuman. 6 Tiyak na ang pag-ibig at kabutihan nʼyo ay mapapasaakin habang akoʼy nabubuhay. At titira[b] ako sa bahay nʼyo,[c] Panginoon, magpakailanman. Footnotes 23:4 pamalo: ginagamit ng pastol para itaboy ang mga mababangis na hayop. 23:6 titira: Ito ang nasa tekstong Septuagint. Sa Hebreo, babalik. 23:6 sa bahay nʼyo: Maaaring ang ibig sabihin, sa templo, o, sa tahanan ng Dios sa langit. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
What this episode covers

NOW PLAYING
Psalm 23 (Awit 23)
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
Jun 15, 2022 ·8m