EPISODE · Jun 4, 2021 · 2 MIN
Psalm 26 (Awit 26)
from Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) · host Myla Joy Cunanan
Ang Panalangin ng Taong Matuwid 26 Patunayan nʼyo, Panginoon, na akoʼy walang kasalanan, dahil akoʼy namumuhay nang matuwid, at nagtitiwala sa inyo ng walang pag-aalinlangan. 2 Siyasatin at subukin nʼyo ako, Panginoon. Suriin nʼyo ang aking pusoʼt isipan, 3 dahil lagi kong naaalala ang inyong pagmamahal, at namumuhay ako na pinanghahawakan ang inyong katapatan. 4 Hindi ako sumasama sa mga taong sinungaling at mapagpanggap. 5 Kinaiinisan ko ang mga pagsasama-sama ng masasamang tao, at hindi ako nakikisama sa kanila. 6-7 Naghuhugas ako ng kamay upang ipakitang akoʼy walang kasalanan. Pagkatapos, pumupunta[a] ako sa pinaghahandugan ng hayop at ibaʼt ibang ani upang sumamba sa inyo, O Panginoon, na umaawit ng papuriʼt pasasalamat. Sinasabi ko sa mga tao ang lahat ng inyong mga kahanga-hangang ginawa. 8 Panginoon, mahal ko ang templo na inyong tahanan, na siyang kinaroroonan ng inyong kaluwalhatian. 9-10 Huwag nʼyo po akong parusahang kasama ng mga makasalanan, gaya ng mga mamamatay-tao. Palagi silang handang gumawa ng masama, at nanghihingi ng suhol. 11 Ngunit akoʼy namumuhay nang matuwid, kaya iligtas nʼyo ako at inyong kahabagan. 12 Ngayon, ligtas na ako sa panganib,[b] kaya pupurihin ko kayo, Panginoon, sa gitna ng inyong mamamayang nagtitipon-tipon. Footnotes 26:6-7 pumupunta: sa Hebreo, iikot. 26:12 ligtas … panganib: sa literal, akoʼy nakatayo sa patag na lugar. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
What this episode covers

NOW PLAYING
Psalm 26 (Awit 26)
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
Jun 15, 2022 ·8m