EPISODE · Jun 5, 2021 · 2 MIN
Psalm 28 (Awit 28)
from Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) · host Myla Joy Cunanan
Panalangin ng Paghingi ng Tulong 28 Tumatawag ako sa inyo, Panginoon, ang aking Bato na kanlungan. Dinggin nʼyo ang aking dalangin! Dahil kung hindi, matutulad ako sa mga patay na nasa libingan. 2 Pakinggan nʼyo ang aking pagsusumamo! Humingi ako sa inyo ng tulong, habang itinataas ang aking mga kamay sa harap ng inyong banal na templo. 3 Huwag nʼyo akong parusahan kasama ng masasama. Nagkukunwari silang mga kaibigan, pero ang plano palaʼy pawang kasamaan. 4 Gantihan nʼyo sila ayon sa kanilang mga gawa. Parusahan nʼyo sila ayon sa masama nilang gawa. 5 Binalewala nila ang inyong mga gawa. Gaya ng lumang gusali, gibain nʼyo sila at huwag nang itayong muli. 6 Purihin kayo, Panginoon, dahil pinakinggan nʼyo ang aking pagsusumamo. 7 Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat. 8 Kayo, Panginoon, ang kalakasan ng inyong mga mamamayan. Iniingatan nʼyo ang inyong haring hinirang. 9 Iligtas nʼyo po at pagpalain ang mga mamamayang pag-aari ninyo. Katulad ng isang pastol, bantayan nʼyo sila, at kalungin magpakailanman. Footnotes Psalm 28:2 Hebrew your innermost sanctuary Psalm 28:8 Some Hebrew manuscripts, Septuagint, Syriac; most Hebrew manuscripts is their strength
What this episode covers

NOW PLAYING
Psalm 28 (Awit 28)
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
Jun 15, 2022 ·8m