Skip to content
Psalm 29 (Awit 29) episode artwork

Jun 6, 2021 2 min

Psalm 29 (Awit 29)

from Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) Hosted by Myla Joy Cunanan

Ang Makapangyarihang Tinig ng Panginoon 29 Purihin ang Panginoon, kayong mga anak ng makapangyarihang Dios.[a] Purihin siya sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan. 2 Papurihan ang Panginoon ng mga papuring nararapat sa kanyang pangalan. Sambahin ninyo siya sa kanyang banal na presensya. 3 Ang tinig ng Panginoong Dios na makapangyarihan ay dumadagundong na parang kulog sa ibabaw ng malalakas na alon ng karagatan. 4 Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan at kagalang-galang. 5 Ang tinig ng Panginoon ay makakabali at makakapagpira-piraso ng pinakamatibay na mga puno ng sedro sa Lebanon. 6 Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang mga bundok sa Lebanon at ang bundok ng Hermon[b], na parang bisirong baka na tumatalon-talon. 7 Ang tinig ng Panginoon ang nagpapakidlat. 8 Ang tinig din ng Panginoon ang nagpapayanig sa Disyerto ng Kadesh. 9 Sa tinig ng Panginoon, napapagalaw ang mga puno ng ensina,[c] at nalalagas ang mga dahon sa kagubatan. At ang lahat ng nasa templo ay sumisigaw, “Ang Dios ay makapangyarihan!” 10 Ang Panginoon ang may kapangyarihan sa mga baha. Maghahari siya magpakailanman. 11 Ang Panginoon ang nagbibigay ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan, at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan. Footnotes 29:1 kayong mga anak ng makapangyarihang Dios: Sa ibang salin ng Biblia, kayong mga nilalang sa kalangitan. 29:6 Hermon: sa Hebreo, Sirion. 29:9 napapagalaw ang mga puno ng ensina: sa literal, napapaanak ang mga usa. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®

Episode details come from the podcast's RSS feed.

Embed this episode

Ready to play

Psalm 29 (Awit 29)

0:00 2:33

No transcript yet.

Requests help us decide what to transcribe next.

Frequently asked questions

How long is this episode of Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)?

This episode is 2 minutes long.

When was this Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) episode published?

This episode was published on June 6, 2021.

Can I download this Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.