Skip to content
Psalm 4 (Awit 4) episode artwork

Apr 29, 2021 2 min

Psalm 4 (Awit 4)

from Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) Hosted by Myla Joy Cunanan

Panalangin sa Gabi 1 O Dios na aking Tagapagtanggol, sagutin nʼyo po ako kapag akoʼy tumatawag sa inyo. Hindi ba noon tinulungan nʼyo ako nang akoʼy nasa kagipitan? Kaya ngayon, maawa kayo sa akin at pakinggan ang dalangin ko. 2 Kayong mga kumakalaban sa akin, kailan kayo titigil sa inyong paninirang puri sa akin? Hanggang kailan ninyo iibigin ang mga bagay na walang kabuluhan at magpapatuloy sa kasinungalingan?[a] 3 Dapat ninyong malaman na ibinukod ng Panginoon ang mga banal para sa kanyang sarili. Kaya kung tatawag ako sa Panginoon, pakikinggan niya ako. 4 Kapag kayoʼy nagagalit, huwag kayong magkakasala. Habang nakahiga kayo sa inyong higaan, tumahimik kayo at magbulay-bulay. 5 Magtiwala kayo sa Panginoon at mag-alay sa kanya ng tamang mga handog. 6 Marami ang nagsasabi, “Sino ang magpapala sa amin?” Panginoon, kaawaan nʼyo po kami! 7 Pinaliligaya nʼyo ako, higit pa kaysa sa mga taong sagana sa pagkain at inumin. 8 Kaya nakakatulog ako ng mapayapa, dahil binabantayan nʼyo ako, O Panginoon.

Episode details come from the podcast's RSS feed.

Embed this episode

Ready to play

Psalm 4 (Awit 4)

0:00 2:05

No transcript yet.

Requests help us decide what to transcribe next.

Frequently asked questions

How long is this episode of Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)?

This episode is 2 minutes long.

When was this Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) episode published?

This episode was published on April 29, 2021.

Can I download this Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.