Skip to content
Psalm 8 ( Awit 8) episode artwork

May 5, 2021 2 min

Psalm 8 ( Awit 8)

from Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) Hosted by Myla Joy Cunanan

Ang Kadakilaan ng Dios ay Makikita sa Buong Sanlibutan 1 O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan ay makikita sa buong mundo, at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatian hanggang sa kalangitan. 2 Kahit mga bata at sanggol ay nagpupuri sa inyo, kaya napapahiya at tumatahimik ang inyong mga kaaway. 3 Kapag tumitingala ako sa langit na inyong nilikha, at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan, 4 akoʼy nagtatanong, ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain? 5 Ginawa nʼyo kaming mababa ng kaunti sa mga anghel. Ngunit pinarangalan nʼyo kami na parang mga hari. 6 Ipinamahala nʼyo sa amin ang inyong mga nilalang, at ipinasailalim sa amin ang lahat ng bagay: 7 mga tupa, mga baka at lahat ng mga mababangis na hayop, 8 ang mga ibon sa himpapawid, mga isda sa dagat at lahat ng naroroon. 9 O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan ay makikita sa buong mundo. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®

Episode details come from the podcast's RSS feed.

Embed this episode

Ready to play

Psalm 8 ( Awit 8)

0:00 2:15

No transcript yet.

Requests help us decide what to transcribe next.

Frequently asked questions

How long is this episode of Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)?

This episode is 2 minutes long.

When was this Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) episode published?

This episode was published on May 5, 2021.

Can I download this Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading) episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.