Skip to content
TEACHER HORROR STORIES episode artwork

Nov 28, 2025 23 min

TEACHER HORROR STORIES

from Pinoy Creepypasta Hosted by Sir Nebb and TAGM Marketing Solutions Inc.

Sa isang liblib na baryo sa Quezon, may guro na bagong lipat sa pampublikong paaralan. Mabait at masigasig siya, pero napansin ng mga estudyante na kakaiba siya tuwing hapon — lalo na kapag dumidilim. May nakikita raw silang anino sa likod ng pisara, at may mga batang biglang naglalaho tuwing may bagyong dumaraan. Sa huli, malalaman nila kung sino talaga ang "Teacher" — at bakit hindi siya pwedeng mawala sa silid-aralan.

Episode details come from the podcast's RSS feed.

Embed this episode

Ready to play

TEACHER HORROR STORIES

0:00 23:28
of matches

Transcript Auto-generated, may contain errors

Isang magandang araw po sa ating lahat, mga fellow kapasta, lalo na kay Sir Neb. Ako nga pala si Teacher Gerald. Natuklasan ko itong channel na ito dahil sa yaya ng isa kong studyante noong hindi pa nagla-lockdown. Nakikinig kasi siya habang nagre-recess ang alaga niya. Libangan daw nilang mga yaya ng mga bata ang pakikinig sa channel ninyo habang nagbabantay sa school. Puro mga fiction stories pa ang featured noon sa Pinoy Creepypasta, nang una akong makinig. Gusto ko rin sanang mag-submit ng fiction, kaso nahihiya ako. Ngayong nagpapalabas na rin ng True Horror Stories ang channel, ay nagkalakas loob ako na mag-submit ng karanasan ko.

Ito po ang kwento ko Sir Nev. Mga grade 2 pupils ang studyante ko. 18 bata lang ang nasa bawat section para daw hindi crowded at matutukan ang pagtuturo. Alam naman natin na malawak ang imagination ng mga bata. Hindi iba roon itong dating studyante ko. Natawagin na lang natin John. Makulit na bata yung si John. Minsan ay nakakapagpaiyak siya ng mga kaklase pero sobrang minsan lang noon. Hindi lang kasi maiiwasan ang mga away bata.

Close ako sa mga estudyante dahil mahilig talaga ako sa bata. Sinasabi ko sa kanila na kung may gusto silang sabihin sa akin ay huwag mahihiya dahil ako ang pangalawang tatay nila sa school. Si John nagkukwento sa akin tungkol sa babaeng laging kasama ng daddy niya. Hindi niya raw kilala pero pumupunta sa bahay nila. Sinasabi raw niya sa mami niya pero wala naman daw pakialam dahil hindi niya nakikitang pinaalis. Natatakot daw kasi siya dahil malalaki ang mga mata noong babae at nakasimangot. Sinabi ko yun sa yaya niya at pati nga raw sa kanya ay kinukwento rin yun ni John.

Kahit daw siya ay natatakot na rin dahil pakiramdam niya ay multo yung nakasunod sa amo niya. Nag-alala ko at naisipan kong kausapin yung parents ni John. Concerned lang ako kasi baka nagpapapansin lang yung bata. Hindi naman kasi ako naniniwala sa mga multo. Plus nalaman ko pa na busy lagi yung parents niya dahil bodyguard ng mayamang negosyante yung daddy niya. Parating wala sa bahay. Yung mami naman niya ay may grocery sa palengke. Gabi na raw nakakauwi kaya yung yaya lang niya ang kasama niya ng madalas.

So, I had to schedule a meeting with John's parents, it was not possible. It was busy. Hanggang sa nagulat na lang ako na isang araw ay napabalita na inaresto yung daddy ni John. Ilang kasamang bodyguard, pati yung businessman na amo nila. Ang sabi, may pinatay silang negosyante rin. Babae, noong pinakita nung ibang yaya yung picture sa akin noong babae, kinilabutan ako. Kasi malalaki yung mata niya at mukhang nakasimangot, mukhang stricto. Bigla kong naalala yung kinukwento ni John. Pumapasok pa rin naman si John sa school pagkatapos nun. Hindi naging issue sa mga bata yung nangyari sa daddy niya. Napadalas ang pagkukwento niya noon sa akin kasi ako na mismo yung nagtatanong.

Nabisita na raw niya yung daddy niya at nakapag-usap na sila ng ilang ulit. Noong last na pagdalaw raw nila ng mami niya, hindi na raw niya nakikita yung babaeng laging sumusunod sa daddy niya. Hindi ko alam kung maniniwala na ako sa mga multo kasi hindi ko naman nakita yung sinasabi ni John pero nakakapagtaka rin yung kwento niya. Higit sa lahat, bakit sa daddy niya sumusunod yung babae at bakit hindi sa amo nito? Posible kaya na yung daddy talaga ni John ang gumawa ng pagpatay. Natigil lang yung pagsunod niya noong makamit na niya ang katarungan.

Sa mga bumubuo ng Pinoy Creepypasta, magandang araw po sa inyo. Sumulat po ako para magbahagi rin ang kwentong kababalaghan ko. Tawagin nyo na lang po ako sa pangalang Francis. Ang nanay ko ay Bicolana at ang tatay ko naman ay isang katutubong Aita na nakarating sa Bicol dahil sa trabaho bilang construction worker. Naman ako ang kulay at buhok ng tatay ko. Madalas akong tuksohin noong bata pa ako pero yun bang tuksohan na biruan lang, hindi naman yung nakakapekto sa paglaki ko. Nakapagtapos ako ng pag-aaral at nakapagtrabaho sa isang high school bilang teacher.

Mahirap maging teacher dito sa atin, kaya nagbakasakali ako sa ibang bansa. Natanggap ako sa isang junior high school sa Florida, USA. Doon ako nakaranas ng bullying at sa mga estudyante ko pa. Bukod kasi sa Asian ako, Filipino pa ako at itim pa. Kung ano-ano ang tawag sa akin ng mga estudyante at parang wala silang respeto sa akin.

May isang pangyayari lang noon sa high school na hindi ko maipaliwanag. Siguro kung dito sa atin sa Pilipinas, aswang ang tawag doon. Pero sa US, werewolf. Nakita ko yun noong papauwi na ako. Ginagabi kasi kami minsan sa school dahil sa mga meeting at pagtapos ng grades o paggawa ng lesson plan. Pero maaga pa naman noon, mga 7 o 8 yata. Paglabas mo sa main building, may malawak na grounds bago yung gate. Naglalakad na ako palabas ng gate noon, nang may marinig akong parang tunog ng hayop. Malakas kaya alam kong hindi tao ang may gawa.

Nagpalingalinga ako. Sunod kong narinig. Yung parang asong galit. Umaangil. Kinabahan na ako noon kasi baka may asong ulol. Umatras ako pabalik sa building kasi baka nasa paligid lang yung iniisip kong aso. Tumakbo ako papasok sa isang classroom. Sumilip ako sa bintana at nagmasid. Mga ilang minuto yun. May lumabas na nila lang doon sa may gilid ng building. Hindi ko agad napansin. Pero galing sa kaliwa. May backwood na wires doon sa school. Kaya imposibleng galing siya sa labas.

Kulay itin na aso, pero sobrang haba ng mga pinte. Siguro ang pinakamalapit na description sa kanya ay yung isang teacher sa Harry Potter na nagiging werewolf. Para siyang ganoon, kasi payat, mahaba ang mga paa. Para siyang tao, pero ang ulo ay aso o lobo. Naglalakad siya ng nakadapa, pero minsan ay nakatayo. Ilang beses akong kumurap noon at nagkusot ng mga mata. Kinurot ko rin yung braso ko at sinampal ang sarili.

Pero hindi nawawala yung nilalang sa harap ng school. Hindi ko maihapang yung mga paako. Para makatayo sa bintana. Kaya nakita ko pa noong tumakbo palabas ng grounds yung nilalang. Para siyang kurilya akong tumakbo. Nilalapat yung mga kamay sa lupa. Noong makaalis na yon, Sir Nev, tsaka lang ako na paupo sa sahig. Pawisang pawisan ako at nanlalamig. Nagpalipas pa ako ng ilang saglit bago lumabas. Doon na ako kumaripas ng tapo.

Pagdating sa apartment ko, inwento ko yun sa unang kapitbahay na nakita ko. Imposible raw na wolf yung nakita ko dahil walang wolf sa Florida. Baka nga raw werewolf o woodwalker. Two years ago, I was a teacher in a public school here at Bicol. Until now, I'm going to talk about it, I'm going to share it. There's a lot of teenagers, especially the teenagers. They're wolves in imagination, they're wolves. They're wolves. They're wolves. They're wolves. They're wolves. They're wolves. They're wolves. They're wolves. They're wolves. They're wolves. They're wolves. They're wolves. They're wolves. They're wolves. They're wolves. They're wolves. They're wolves. They're wolves.

Noong nag-aaral pa ako, may isa kaming teacher na namatay sa school. First year ako nang mangyari yon. Nagsimula siyang magparandam noong third year na kami. Hindi ko masabing masungit si Ma'am Alma. Stricto siguro oo, pero bihirang bihira magmura yon. Magmura ay mean yung magagalit siya tapos pagagalitan kami. Minsan nga kami na ang nahihiya kasi kapag nag-iingay kami habang klase niya, tatahimik lang siya at panunurin kami. May isa lang na makakapansin na nakapanood lang siya sa amin kaya sasawayin kami para tumahimik.

Kapag ganoon ang nangyayari, alam na namin ang susunod. Get one half sheet of paper. Magpapakwis na siya at kung sino ang babagsak, patatayuin sa buong klase. Ganoon ang sistema ni Ma'am Alma. Napapagalitan niya lang kami kapag nasa vacant. Tapos maingay kami at naiistorbo ang pagtuturo niya. Katabi lang kasi namin ang room na tinuturuan niya tuwing vacant period namin. Yung pagkamatay ni Ma'am Alma ay medyo traumatic para sa ibang nakakita. Umaga kasi yun. Flag ceremony namin kasi lunes. Nasa may stage siya kasama ng ibang teachers. Kaya kitang kita ng lahat ang nangyayari.

Sabi noong iba, pagdating pa lang ni ma'am ay namumutla na at medyo matamlay. Lagi raw nakahawak sa noo. Parang masakit yung ulo niya. Uminom lang daw ng gamot tapos hindi na ininda yung kung anumang nararamdaman. Panatang makabayan na nang biglang tumakbo sa may tabi ng stage si ma'am at nagsuka. Inakbo rin siya ng iba pang teachers para alalayan. Kaso bigla siyang sumemplang at nahulog sa simento. Nasa apat na talampakan yung taas ng stage. Bumagsak si ma'am sa suka niya. Nangisay tapos bumula ang bibig at tumirik ang mga mata.

Nag-iyakan na yung ibang mga nakakita. Pero ako, napaatras lang at kinabahan. First time kong makakita ng ganoon Sir Nev sa buong buhay ko. Tinakbo sa ospital si ma'am. Pero dead on arrival na. Lason daw ang kinamatay ni ma'am. Yung dalawang anak at asawa niya. Na-ospital din kasi nalason din sila ng almusal nila nung araw na yon. Hindi ko na maalala kung anong eksaktong pagkakalason. Basta nakahalu raw sa sinangag. Parang natapunan ng kemikal yung kanin nila nung gabi. Hindi na nila nalasahan kasi wala naman daw yatang lasa yon. Basta ayun nga, namatay si ma'am Alma sa school.

May ilang estudyante na sobrang nadisturb doon, lalo na yung mga nasa unahang pila. Hindi sila nakapasok ng mga ilang araw. Ilang linggo ang nagdaan, nakalimutan din yon. Third year na nga kami ng magkaroon ng mga kwento tungkol sa teacher na nakikita sa may stage. Nakaupo raw sa hagdan sa likod at tumititig sa maiingay na estudyante. Mga fourth year ang unang nakakita doon at nakilala agad nila, si Ma'am Alma. Takbuhan daw agad palayo yung mga nakakita kasi parang buhay na buhay raw si Ma'am Alma.

. . . . . . .

Kapag naaalala ko yun Sir Nev, nakakaramdam talaga ako ng awa para kay Ma'am Alma. Hello po Bosnev, kwento ko lang yung tungkol sa teacher namin noong college. Napangit ka banding. Two years pa lang siyang nakakagraduate at doon din sa university na yun nagtapos ng pag-aaral. Hindi naman siya eduk, ang course niya raw ay IT. Kaya related doon yung tinuturo niya. Kinuha siyang teacher ng mabawasan yung IT professors. Total ay sumakumlaudi siya ng mag-graduate. Six months lang daw siyang magtuturo kasi wala siyang balak talagang maging teacher. Napakiusapan lang daw talaga siya. At dahil nga kailan lang nakagraduate si Sir Warren, hindi kami nalalayo sa edad niya. Mga 18 o 19 years old kami. Tapos siya naman nasa 24.

Para lang kaming magbabarkada. Mahilig din siya mag online games, kaya marami kaming napapagkwentuhan. Isang beses pagpasok niya sa room namin, kamuntik na siyang matumba. Napahawak siya sa isa sa mga upuan sa harap, tapos namutla at pinagpawisan. Siyempre bilang malapit kami sa kanya, nag-alala kami, lalo na kaming mga lalaki, kasi kami kami nga yung parang magbabarkada. Naupo talaga si sir sa sahig, tapos sunod-sunod yung hinga niya, habang iniikot yung paningin sa kwarto. Tapos sabi niya, sa gym na lang tayo siguro magklase. Iisa yung tanong naming lahat, bakit?

Hindi agad siya nagsalita. Basta tumayo siya at pinasunod kaming lahat sa gym. Nagre-reklamo na kami nun kasi mainit sa gym. May bubong nga pero wala namang aircon. Yung room kasi namin ay the aircon sir Nev. Naaasar na yung iba lalo na yung mga babae. Pagdating sa gym, okay na ulit si sir. Parang nag-inarti lang para hindi doon sa classroom magklase. Nagde-discution na kami pero yung iba bulungan ng bulungan. Nagre-reklamo habang nagpapaypay. Siguro na bad rape si sir Warren. Kaya napilitan niyang sabihin yung dahilan kung bakit ayaw niyang sa room magklase.

Pag bukas daw niya kasi ng pinto, may sumalubong sa kanya na babaeng malaki ang muka tapos sinigawan siya. Nanghina raw siya at nahilo dahil doon. At noong tinignan niya yung classroom namin, may tumutulo daw na likido mula sa kisame. Maitim at malagkit. May tatlong lalaki rin daw na nakatayo sa unahan at pinapanood kami. Yun daw babaeng may malaking muka, paikot-ikot sa buong room at parang pumipili ng estudyante kasi lahat daw ay tinitignan sa muka. As in muka sa muka.

Ayaw naming maniwala kasi kilala naming palabiro si Sir Warren. Sinasabi namin na nananakot lang siya. Kaso Sir Nev, may mga sinasabi siya na nakapagpapatunay na may mga nakikita siyang hindi karaniwan. Kagaya noong namatay ang tatay ng isa naming classmate na i-describe niya ang itsura pati na rin kung ano ang kinamatay. Dahil minsan daw ay nakikita niya yung tatay ng classmate namin na sumusunod sa anak niya. Basta maraming pagkakataon na nagagawang sabihin ni Sir ang mga detalyeng imposible niyang malaman ng ganun-ganun na lang.

May third eye daw kasi si Sir, at may mga espiritu na nagbubulong sa kanya ng mga bagay na hindi niya alam. Isa rin daw ang mga yon sa nakatulong sa kanya, kaya matataas ang grades niya noong nag-aaral pa. Mula noon, bukod sa online games, ay napapagkwentuhan na rin namin ang tungkol sa mga nakikita ni Sir. Sabi niya pa, malinis ang CR ng mga babae sa education building. Pero yung CR sa agriculture, may madre daw na nagiging dahilan ng sakit ng ibang estudyante. Minsan napapansin namin na bigla na lang siyang mapapalingon o matutulala sa isang lugar.

Tapos kunwari, walang nangyari. Iyon pala ay may nakikita na siyang kung ano. Marami raw talaga siyang nakikita Sir Nev. Hindi na lang niya sinasabi para hindi kami matakot. Pero kapag natutulala na siya saglit o napapalingon kung saan, kukulitin na namin siya para magkwento. Be basta.

Magandang umaga po Sir Nevquero. Ako po ay membro ng church group namin. Marami kaming programang pang charity, kagaya ng feeding program, medical missions at iba pa. By the way, ako nga pala si Romel. Nabanggit ko lang yung tungkol sa church namin dahil may karanasan po akong hindi malilimutan na may kaugnayan sa mga outreach programs namin na organized ng local parish. Bukod sa pagiging aktibo sa simbahan, ay isa rin akong elementary teacher. Ginagamit ko po ang aking kaalaman sa pagtuturo para makatulong din sa ating mga kapuspalad na kababayan.

Ito ay sa pamamagitan ng mga teaching programs. Tuwing magsisimula ang pasukan ay nagsasagawa kami ng balik eskwela program. Hindi mawawala sa isip ko noong nagpunta kami sa isang coastal barangay. Hindi yun ang first time kong makarating sa barangay na yon dahil nagkaroon na rin kami ng feeding program doon at may ilan akong kakilala na naninirahan doon. I'm going to tell you what I'm going to do. I'm going to tell you what I'm going to do. I'm going to tell you what I'm going to do. I'm going to tell you what I'm going to do. I'm going to tell you what I'm going to do. I'm going to tell you what I'm going to do.

Sa akin nagalit yung tatay at dinuro-duro ako. Hindi raw importante na matutong magsulat yung anak niya dahil kakain daw sila kahit hindi sila mag-aral. Sasagot pa sana ako para magpaliwanag. Pero ang sama ng titig sa akin ng tatay, parabang napakabigat ng nagawa ko kaya humingi na lang ako ng pasensya. Umalis sila ng anak niyang umiiyak. Habang papalayo sila, ay nilingon pa ako ng tatay. Kinabahan ako sa tingin niyang yun dahil parang may gustong ipahihwating.

Pag balik namin sa bayan ay nagdaan lang ang isang araw at nilagnat ako. Malalang lagnat at rangkaso dahil hindi ako makahinga sa sobrang pagkabarado ng ilong ko. Malubaharin yung ubo ko at sabi pa ng nanay ko ay nagdidiliryu ako. Wala nga akong matandaan sa mga pangyayari noong nagkasakit ako dahil pakiramdam ko ay lagi akong nakalutang. Noong gumaling ako ay nalaman ko ang kakaibang pangyayari habang may sakit ako. Nag-sleepwalk daw ako at gusto kong parating lumabas. Hindi ko raw pinatulog si natatay noon dahil binabantayan ako. May mabahong amoy din daw na paikot-ikot sa paligid tuwing gabi. Sabi pa nga ng mga kapitbahay ay may nakikita silang malaking ibon na palipad-lipad sa ibabaw ng bubungan namin tuwing alas 6 ng hapon. Hindi ako mapagaling ng mga gamot sir Nev, kaya kumonsulta na sa mga albularyo sinanay.

Isa nga ang nakapagsabi na may aswang na galit sa akin. Kaya ako binibigyan ng sakit. Lalaki raw yung aswang. At nakipagtitigan pa raw ako noong una at huling beses kaming nagkita. Galit na galit nga raw sa akin. Hindi po ako palaaway na tao Sir Nev. Bago ako nagkasakit ay isa lang ang naka-argumento ko. At alam kong tunay na galit sa akin. Walang iba kundi yung tatay nung bata na tinuturuan ko. Dahil doon ay hindi na kami bumalik sa coastal barangay na yon para sa iba pang programs.

Pero tuloy pa rin ang balik-eskwela program namin sa iba pang barangay. Pero sa ngayon po, ay dalawang taon na itong nahinto. Dahil sa pandemia, ayaw naman naming ilagay sa alanganin yung mga bata. Hanggang dito na lang po Sir Nev, sana po ay mapili nyo ang kwento ko.

Frequently asked questions

How long is this episode of Pinoy Creepypasta?

This episode is 23 minutes long.

When was this Pinoy Creepypasta episode published?

This episode was published on November 28, 2025.

Is there a transcript available for this episode?

Yes, a full transcript is available for this episode. You can read the complete transcript on the episode page.

Can I download this Pinoy Creepypasta episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.