Skip to content
TSISMIS episode artwork

Jul 27, 2025 14 min

TSISMIS

from Pinoy Creepypasta Hosted by Sir Nebb and TAGM Marketing Solutions Inc.

TSISMIS

Episode details come from the podcast's RSS feed.

Embed this episode

Ready to play

TSISMIS

0:00 14:10
of matches

Transcript Auto-generated, may contain errors

Mas masahol pa nga raw sa isang bagyo ang isang taong naninira ng relasyon ng magkasintahan o mag-asawa. Ika nga ng isang tanyag na awitin ay kay Rami ng winasak na tahanan ng tukso. Kaya naman sa baryo pang mais ay kinaiinisan ang dalagang si Aileen. Paano ba naman ay ginagamit ng dalaga ang akin nitong ganda? Mapangakit na hubog ng katawan at karisma upang makuha ang ibig sa mga lalaki. Ano pa nga ba? Kundi ang salapi.

Hindi lihim na isang kalapating mababa ang lipad si Aileen. Maaari naman sanang magkaroon ng disyenteng trabaho na walang natatapakang tao. Ngunit dahil sa angking katamaran ay pinili na lamang maging bayarang parausan ng mga kalalakihan. Ilang misis ng tahanan na ba ang muntik-muntikan ng pagbuhatan ng kamay ang magandang dalaga, kung hindi lamang naaawat ng kanika nilang mga mister. Sa araw na yon ay isa na namang tahanan ang nawasak dahil sa pagkarahuyo ng haligi noon kay Aileen. Masama ang tingin pinupukol kay Aileen ng isang ginang at tatlo nitong anak na bitbit ang naglalaki hangbag. Lalayasan na ng mag-iina ang marupok na amang si Zosimo. Ngunit ano ba ang pakialam doon ni Aileen?

Taas noong rumarampa ng pakending-kending pa ang pangasar na dalaga. Katwiran ito'y bakit pa sa kanya binubunto ng galit, nagtatrabaho lamang naman siya. Ang mga asawa ng mga losyang na babaeng yon ang namemersonal. Nahuhulog ang loob sa kanya dahil sakusay niyang mangromansa. Ikapangaraw ni Aileen, kung marunong daw mag-ayos ng sarili, karinyosa at hindi bumangera ang mga misis ng kanyang mga kliente, ay hindi magsisilapit ang mga lalaking yon sa kanya. Iisa lamang naman daw ang reklamo ng mga lalaki sa kanika nilang asawa.

Napakaganda at napakahinhin niya noong nililigawan ko pa lamang siya. Ano't nang kami magsama at magpakasal ay tila nagpakasal ako sa isang bruha. Bungangera na ilo siyang pa. Iyon daw ang litanya ng mga kalalakihan kay Aileen. Malinaw na nasa mga babae ang kasalanan, kaya bakit siya ang kagagalitan? Gayong pinupunan lamang niya ang mga pagkukulang ng mga misis ng tahanan. Ah, wala siyang pakialam. Walang dating kay Aileen ang masasamang tingin at mahahapyap na salitang binabato sa kanya. Hindi naman niya malalaman ang mga yun. Ang mahalaga ay puno ang kanyang pitaka at masaya siya sa ginagawa. Tuloy ang buhay. Kaya lamang ay may isang babaeng hindi man galit kay Aileen dahil sa pangangalantari niya ng asawa. Ay isa namang tinik sa lalamunan kung ituring ng dalagang hubadera.

Ang bagong lipat sa baryo pang mais na si Casey. Sa mukha nitong tila si Mama Mary sa mga larawan at rebulto, hugis ng katawan na tila hinulma sa bote ng soft drinks, ay may bago ng kinahuhumalingan ang mga malilikot na kalalakihan ng walang asensong baryo. Maganda at mahubog din naman si Aileen, ngunit si Casey ay may lahi umanong iraki, at dati nang napasabak sa timpalak pagandahan sa telebisyon. Milya-milya ang agwat nito sa kanya, lalo pat ang sukat ng dibdib ay hindi tinutugman ng kahit na anong bra nagawa sa Pilipinas. Nag-uumapaw ng labis-labis ang hinaharap nito. Kaya naman ang Kap D ni Aileen ay nagmukhang pasas sa paningin ng kanyang mga dating suki.

At ang mas matindi, disenting babae si Casey. Kaya naman ito'y iginagalang at iniingatan kung ituring ng lahat. Mapalalaki man o babae, na itsyapwera si Aileen sa pagdating ni Casey. At kung inaakala ng baryo pang mais na magsasawalang kibusya, ay isa yung malaking pagkakamali. Magkakasubukan sila ng Casey na yon at hindi maaaring dalawa sila sa nasabing baryo. Isang Diyosa lamang ang dapat magray na roon. At yun ay walang iba kundi siya.

At nooy maaliwalas na pakitungo ng mga tao kay Casey ay biglang nagbago. Binabati ng dalaga ang mga kapitbahay niyang magiliw sa kanya, subalit iniiwasan siya ng mga yon na tila meron siyang nakakahawang sakit. Bakit kaya? Dalawang linggo pa lamang siya sa baryo pang mais ay tila may hindi magandang balita na ang kumakala at ukol sa kanya. At nanlaki ang kanyang ulo sa nalaman, ay pinagkakalat daw ng isang babaeng nagnangalang Aileen, na isa siyang aswang, isang manananggal. Abat saan naman nasagap ng babaeng yon ang ganoong chismis? Kalilipat lamang niya ay may issue na agad ukol sa kanya. Sino ba ang Aileen na yon? Ito raw ang kalapating mababaang lipad na siyang kinahuhumalingan ng mga kalalakihan bago siya dumating.

Ah, kung ganoon pala ay isang malalang kaso ng ingit ang ugat ng chismis na ikinakalat nito. Nananahimik siya ay sinisimulan siya nito, pwes ay hindi niya ito uurungan. Nang gabing yon ay tila isang eksena sa mga pelikulang kaluranin ang makikita sa bukirin ng baryo pang mais. Doon mismo sa taniman ng mga mais kung saan halaw ang pangalan ng munting baryo, ay nagharap sina Aileen at Casey. Sampung di pa ang layo nila sa isa't isa. Nagbabaga ang kitigan at mahahalata ang masilihing galit sa mga mata.

Kung may mga lalaki lamang sanang nakakasaksi sa paghaharap ng dalawang naggagandahang dilag, ay baka naulol at tumulo na ng tumulo ang laway. Bakit hindi? Ay wala ni kapirasong saplot sa katawan ang dalawang dalaga. Naghubad ang mga ito upang makapagpahid ng lana at nangmasimulan na ang ritual upang maging mga manananggal. At pareho palang manananggal ang mga ito, si Aileen ay nasusustentuhan ang pagkauhaw sa dugo at laman ng tao sa tuwing nakikipagtalik. Samantalang si Casey naman ay lumipat sa bar yung pinagre-reinahan ni Aileen upang takasan ang karumalduman nitong pagpatay sa isang lalaki sa ibang bayan. Naamoy kaagad ni Aileen ang totoong pagkatao ni Casey dahil nakita niya ito nang dumating sa kanilang lugar. Ngunit si Casey ay nanatiling walang alam sa kanya dahil hindi pa siya nito nakikita.

Ang pagkakalat ng chismis kay Casey, ang paraan ni Aileen upang magpakilala rito at magpahatid na rin ng isang hamon. Patay kung patay, isang manananggal lamang ang nararapat na matira sa baryo pang mais. Sabay na kumislot-kislot ang katawan ng dalawang dalaga, naglagatukan ang mga tadyang na unti-unting binibigyang daan ang pag-usli ng naglalakihang pakpak ng paniki. Nang bumuka ang mga pakpak, ay dahan-dahang gumiling ang pewang ng mga ito. Napangiwi ng mapunit ang laman. Nang tuluyang humiwalay ang itaas na bahagi sa pangibaba, ay nawala na rin ang bakas ng nakahali ng kagandahan ng mga ito. Sa halip ay lumabas ang mababangis na mukhang ni hindi tatapunan ni sulyap ng sinuman. Imbis na lumipad pa itaas.

Ay pasalubong sa isa't isa ang lipad ng dalawang kampon ng dilim. Inihanda ni Casey ang matatalim at maiitim na kuko. Ngunit nang halos mahahagip na nito si Aileen, ay bigla namang gumilid ang babae at siya'y nilampasan. Nang lingunin ito ni Casey, ay nanlaki ang mga mata niya. At kanyang pang-ibabang katawan ang punterya ni Aileen. Hindi malaman ni Casey kung susugurin si Aileen o hahablutin na lang din ang kalahating katawan nito upang sila'y maging patas. Napahiyaw na lamang si Casey nang paghiwalayin ni Aileen ang kanyang mga hita hanggang sa yun ay mapunit. Sa galit ng manananggal na nawalan ng mga paa, ay mabilis din itong sinikwat ang kalahating katawan ng kalaban at winasaktin yun. Si Aileen naman ang napasigaw. Nalimutan yata na kaya rin gawin ni Casey ang ginawa niya.

Nang kapwa wala nang babalik ang katawan, ay tsaka lumipad sa papawirin ang dalawang manananggal at doon nagtagisan ng talim ng uko. Nagkalmutan at saksakan, hinila ni Casey ang bituka ni Aileen. Sumama maging ang tiyan at atay ng babae. Gayo na lamang ang sigaw ni Aileen. Pwersadong kalmot ang pinatikim niya sa balikat ni Casey. Nagresulta yun sa pagkawakwak ng laman at mga buto nito na ikinahiyaw rin ng babae. Idiniretsyo pa niya ang kalmot hanggang sa makapa niya ang tumitibok nitong puso.

However, when she's a woman, she's a woman. She's a woman. She's a woman. She's a woman. She's a woman. She's a woman. She's a woman. She's a woman. She's a woman. She's a woman.

Aileen, she is the one who is the one who is the one who is the one who is the one who is the one who is the one who is the one who is the one. Ngunit habang pinagdiriwang niya ang pagkapanalo, ay isang bagay ang kanyang naalala. Wala na ang kalahati niyang katawan. Puso at baga na rin lamang ang natitira sa kanyang lamang loob. Napasigaw ang manananggal. Sigaw na gumising sa natutulog na si Zosimo na dalidaling lumabas upang malaman kung ano ang nangyayari. Itong si Zosimo naman na nawala na sa katinuan ng iwan ng pamilya, ay nakita ang manananggal na tila sa rangolang walang direksyong patutunguhan sa kalangitan.

It's been seen as a young man, and then it's been seen as a young man. It's been seen as a young man. It's been seen as a young man. It's been seen as a young man. It's been seen as a young man. It's been seen as a young man. It's been seen as a young man. It's been seen as a young man. It's been seen as a young man. It's been seen as a young man.

Umaga na pala, inumaga na si Zosimo sa pagtadtad sa Manananggal. Napangiti ang lalaki at naisipang ipamalita sa mga kababaryo ang kanyang nagawa. Mga kapitbahay, nakapatay ako ng Manananggal! Ang masaya niyang wika, napapailing na lamang ang mga residente. Naghahalo ang habag at pagkaaliw sa kapitbahay na hindi lamang tahanan ang nasira, kundi maging ang pag-iisip ng iwan ng pamilya dahil sa mapanuksong alindog ni Aileen.

Tunay ngang talaga, mas masahol pangaraw sa isang bagyo ang isang taong naninira ng relasyon ng magkasintahan o mag-asawa. Ika nga sa isang tanyag na awitin ay kay ramin ang winasak na tahanan ng tukso.

Frequently asked questions

How long is this episode of Pinoy Creepypasta?

This episode is 14 minutes long.

When was this Pinoy Creepypasta episode published?

This episode was published on July 27, 2025.

Is there a transcript available for this episode?

Yes, a full transcript is available for this episode. You can read the complete transcript on the episode page.

Can I download this Pinoy Creepypasta episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.