Magandang araw Sir Nev, itago niyo po ako sa pangalang Vic. Meron po akong kwento na pwedeng isama sa Christmas special mo kung meron man. Ikaw na lang ang bahalang magayos ng kwento ko Sir Nev. Gusto ko lang pong magbahagi ng tunay na karanasan ko sa kwentong kababalaghan. Bata pa lang ako ay may mga nakikita na ako na hindi nakikita ng ibang tao. Hindi ko alam kung may lahi ba kaming ganito. Dati kasing manggagamot yung mga magulang ko. Alam niyo naman na pag mga manggagamot, kadalasan may mga alagayan ng mga elemento.
Pero hindi yun ang kwento ko. Ang ibabahagi ko ay tungkol sa kaluluwang ligaw na aking nakasalamuha sa daan. Kaluluwa ng lalaki ito Sir Nev. High school pa lang ako nito. Noong nangyari sa akin bali 4th year sa pagkakatanda ko. December 25, 2008, 3am. Galing ako sa mga barkada ko sa Santa Clara, Santa Maria, Bulacan. Pagkatapos ko mag Noche Buena sa bahay namin ay sinundo ako ng mga barkada ko. Pumayag naman yung parents ko kasi kakilala naman nila yung mga yon. Sinabi ko na din na baka doon ako matulog kasi panigurado gagabihin na naman ako ng husto.
Nag-inom lang kami ng konti at maaga akong nakatulog, kasi di naman ako kalakasan pagdating sa alak. Nung maalim pongatan ako at nagising, tahimik na at tulog na ang lahat, nang magpasya na akong umuwi. Kasi tradisyon na namin na pagpasko ay nagsisimba kaming buong pamilya. Yung bahay namin, Sir Nev, ay sa Northville 5, Batya, Bukawi. Sa mga listeners dyan na taga-batya, alam nyo na kung anong kwento sa bukid. Tawid-bukid kasi ito, Sir Nev. Kesa umikot pa ng pagkalayo-layo, eh dito na lang kami dumadaan. Walang ilaw sa dadaanan. Talagang sobrang dilim.
Wala kong baong flashlight at wala pa akong cellphone ng mga panahon na to Sir Nev. Nagdasal muna ako na sana huwag magpakita sa akin yung babae sa punong manga. Yun kasi yung laging nakikita ng mga taga sa amin na gabi na din kong umuwi. E di ayun na nga. Habang naglalakad ako, pakanta-kanta ng mahina para iwas ka ba. Nung nasa gitna na ako, ay may napansin akong lalaki sa unahan ko. Di ko gaano maaninag pero kita naman yung damit niya na kulay puting t-shirt. Napasabi pa ako sa sarili ko ng yes, may kasabay ako. Napatakbo ako papalapit doon sa lalaki.
Nung malapit na ako sa kanya, malapit na din ako sa punong manga. Hindi ako tumitingin sa taas at nakayo kulang. Nung makalampas na ako sa punong manga, napansin ko na lang na biglang huminto yung lalaki sa unahan ko. Bigla akong kinabahan Sir Nev, kaya huminto din ako. Nag-aabang kung anong gagawin ng lalaki. Baka kasi hold uper lang ito. Kaya nakatitig lang ako sa kanya. Mga isang kotse ang layo ko noon sa kanya. Nasa kalahating minuto lang na nakatayo lang yung lalaki sa harapan ko. Nakatalikod siya.
Maya-maya, may napansin ako sa kanya, Sir Nev. Nagawi yung paningin ko sa paanan niya. At nanindig talaga yung balahibo ko sa nakita ko. Wala siyang paa at nakalutang lang sa kinatatayuan niya. Halos himatayin ako ng mga oras ngayon, Sir Nev. Nung bigla na lang, unti-unting nawala sa paningin ko yung lalaki. Para siyang usok na bigla na lang naglaho. Naistatwa talaga ako sa kinatatayuan ko. Nung tuluyan ng mawala yung lalaki, agad akong kumaripas ng takbo hanggang makarating ako sa bahay. Sakto naman na gising na yung mga magulang ko nun.
Putlang-putla ako noon at hingal kabayo. Napatanong pa nga si mama kung hinabol daw ba ako ng aso doon. Hindi ako nakapagsalita hanggang sa kumalma ko at ikinuwento ko sa kanila yung nakita ko. Alam ng mga magulang ko na nakakakita ako ng mga ganon. Simula noon Sir Nev, hinding-hindi na ako nagpagabi tuwing uuwi sa amin. Balita sa lugar namin Sir Nev na yung lugar kung saan nagpakita yung lalaki ay dating takunan ng mga patay na sinasalvage.