PODCAST · society
Kolorum Klasrum
by Kolorum Klasrum
Ang podcast para sa mga masyadong matanong at mga masyado nang maraming nalalaman. Ang mga tanong, paminsan mapanghamon (Obligado ka bang mag-reply sa bawat taong bumati sa'yo ng "happy birthday" sa Facebook?); sadyang korni (Love din bang maituturing ang "puppy love"?); at ilan sa mga pinaka-importanteng tanong sa lipunan ngayon (Sa'n mabibili ang pinakamasarap na fried chicken sa Pilipinas?)Samahan sina Rian at Jerome, parehong guro ng komunikasyon at long-time media practitioners, na sagutin ang mga mahiwagang tanong na ito. With Nomer and Jimmy, at iba pa. Kitakits every Wednesday!
Episodes
-
Underrated Summer Destinations in the Philippines
Dahil mainit na ang panahon, pinag-usapan namin ang ilang magaganda pero di masyadong napupuntahang summer pasyalan sa Pinas. Alamin kung bakit dapat bisitahin ang Ifugao, Sagada, at Lily of the Valley Organic Farm sa La Trinidad, Benguet, at kung bakit sulit ang road trip papuntang sa Naga…
more -
Payo sa mga bagong gradweyt
Dahil 20 years na kaming gradweyt, sinagot namin ang tanong na "What advice do you wish you’d gotten when you graduated from college?" Naiyak kami, Joke lang! Follow us on Spotify or kung sa'n man kayo nakikinig ng inyong podcasts. Please don't forget to leave a rating! Kung gusto niyo ring...
-
Mga palabas sa TV
Huntahan lang ng mga palabas sa TV na nagustuhan namin mula sa abroad at konting diskusyon din tungkol sa Oscars at local pinoy movie award-giving bodies. Follow us on Spotify or kung sa'n man kayo nakikinig ng inyong podcasts. Please don't forget to leave a rating! Kung gusto niyo ring makisali…
more -
Love Month (na hindi): I'm Drunk, I Love you
Pinag-usapan namin ang Happy Horse, Butter Balls, kalituhan namin kina Bembol, Dominic, at Felix Roco, kung overrated ba ang pagsabi ng "I Love You" at ang unforgettable dream ni Jerome tungkol kay Pathy (with an h), at marami pang iba. Eto ang panapos namin sa aming Love Month series (kahit di…
more -
Love Month: Hello, Love, Goodbye
Rian and Jerome, two grown men, talk about the highest-grossing Pinoy film of all time --- the Cathy Garcia-Molina classic romantic drama film, "Hello, Love, Goodbye" starring Kathryn Bernardo and Alden Richards. Follow us on Spotify or kung sa'n man kayo nakikinig ng inyong podcasts. Please…
more -
Love Month: May Minamahal
Bilang pambungad sa aming Love Month Special, pinag-usapan namin ang pelikulang gusto naming asawahin kung wala lang kaming asawa! Ang obra ni Direk Joey Reyes na "May Minamahal." Para ito sa mga taong nagmahal kina Carlitos at Monica noong dekada nobenta at sa mga patuloy na nahuhumaling sa...
-
2022: Our Year In Review
Chill na kuwentuhan lang tungkol sa mga masasaya at masasaklap na nangyari ngayong taon, at mga gusto pa sana naming mangyari sa taong 2023. Huling episode na po ito para sa taong ito. Kami po ay magbabalik sa lalong madaling panahon. Relaks lang muna tayo lahat at maraming salamat po sa inyong...
-
Feel-good stories from the Internet in 2022
Dedma muna kami sa mga nega at masayang usapan lang sa mga feel-good content na nakita namin online ngayong 2022. Napadpad ang usapan sa di inaasahang pagtrending ng Tropical Hut Hamburger hanggang sa usapang black hole, at mga wise words ng 21st century philosopher na si Tuesday Vargas. Kasama…
more -
The joy of being alone
Nagpalitan kami ng mga karanansan tungkol sa mga bagay na masarap gawin nang mag-isa. Maraming napag-usapan mula sa pagiging kumportable sa pagkain nang mag-isa sa foodcourt, pagmamaneho nang solo (at pagkanta ng mass songs passionately), at sabay pagmumuni-muni at paglalakad nang mag-isa and...
-
Mailbag: Why there are no serial killers in the Philippines
Tatalakayin namin ang matagal nang bumubulabog sa listener naming si Q at sa kaniyang asawa. Mula sa geographic location, media portrayal, at mga challenges sa pagbuo ng isang investigative docu-drama / crime-science show, aalamin natin kung bakit walang serial killer sa Pinas or kung bakit wakit...
-
Stupid things we should stop doing online (Usapang Data Privacy with Atty. Jpee Hernandez)
Eto ang collab na di niyo hiningi pero binigay pa rin namin! Kolorum Klasrum x Bar Beshies! Actually, inimbita namin ang lawyer at data privacy expert na si Atty. Jpee Hernandez para pag-usapan ang mga simpleng paraan para maalagaan natin ang ating data privacy. Kasama rin ang ating Resident…
more -
Great Filipino films you might have missed
Pinag-usapan namin ang ilan sa mga magagandang Pinoy movies na malamang di niyo pa napapanood. Ibinida ni Jerome ang "Hotshots", "The Red Shoes", "Tisoy", at "Bad Bananas sa Puting Tabing". Tinalakay naman ni Rian ang "Kisapmata", "Endo", at "Lalakwe". Follow us on Spotify or kung sa'n man kayo...
-
Mailbag: How to know if a guy really likes you
Susubukan naming magbigay ng payo sa isang letter sender namin tungkol sa usapin ng PAG-IBIG! Ang tanong --- "jojowain" o "totropahin"? Mas importanteng tanong --- may sense ba yung mga pinagsasasabi namin? Kinig na nang malaman ninyo. Follow us on Spotify or kung sa'n man kayo nakikinig ng…
more -
Best feelings in the world
This episode is an attempt to talk about our own list of the best feelings in the world. Marami kaming napag-usapan kagaya na lang ng hiwagang hatid ng pagbubukas ng balikbayan box, pagpapaggupit sa isang Pinoy barbershop, pagiging saksi sa isang malupit na "buzzer beater" at marami pang iba....
-
Things they should've taught us in school
Sa pagbabalik ng Kolorum Klasrum, pinag-usapan namin ang mga bagay na sana naituro sa eskwelahan dati kagaya ng pagluluto, pagpalit ng door knob, paghawak ng pera, pagbibigay importansya sa mental health, at marami pang iba. In short, marami kaming hindi alam gawin sa buhay! Follow us on Spotify…
more -
Bakit da best ang Paskong Pinoy?
Para sa Christmas special at season ender ng Kolorum Klasrum, pag-uusapan namin kung bakit nga ba walang katulad ang Paskong Pinoy. Usapang office xmas parties, mga natatanging handa sa noche buena, MMFF favorites, at iba pang masarap na gawin at pasyalan tuwing pasko sa Pinas. Kung nagustuhan…
more -
Ano ang naituro sa'yo ng pagtuturo?
Dahil marami ang nagre-request --- heto na ang aming teacher episode. Pag-uusapan ang mga di malilimutang karanasan namin sa pagtuturo. Bakit nga ba madalas manganib ang buhay ng mga lolo't lola ng mga estudyante 'pag exam time? Bakit mas masarap ang maling-silog pag kinakain sa school cafeteria?...
-
Magaling ka bang magbigay ng regalo?
Pasko na, sinta ko. Nakahanap ka na ba ng regalo para sa mga minamahal mo? Ano ang pinakamalupit o masagwang regalo na natanggap mo? Nanghihingi ka rin ba ng kahit na piso lang sa taong nagbigay sa'yo ng sapatos? Nakaka-appreciate ka rin ba ng mga corporate give-aways? Nireregaluhan mo rin ba ang...
-
Mailbag: Saan nga ba puwedeng makakuha ng "motivation" sa pang araw-araw? (With Carol Tan-Chua)
Sa episode na ito, sasamahan tayo ng veteran TV producer, director, and more importantly, supermom na si Carol Tan-Chua sa isa na namang mailbag session. Naging bahagi si Carol ng mga hit TV shows kagaya ng Survivor Philippines, Asia's Next Top Model, Amazing Race Philippines, at siyempre pa…
more -
Ano ang nagbibigay sa'yo ng pag-asa? (With Atty. Alex Lacson)
Matagal ka na bang nawalan ng pag-asa? Sumuko ka na ba sa Pilipinas? Naghahanap ka ba ng makakapitan? Samahan niyo kaming mangarap at manalig muli para sa sarili at sa Pilipinas nating mahal kasama si Atty. Alex Lacson, bestselling author of "12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our...
-
Kanino ka pinakana-"starstruck"?
Minsan, nabibigyan tayo ng pagkakataong makasalamuha ang ilan sa mga sikat na tao at personalidad ng ating panahon. Bakit nga ba super lakas ng dating ni "Bossing"? Anong klaseng "healing powers" ang mayroon si Lucy Torres- Gomez? At posible nga bang bumili ng screen protector si Kim Jong-un sa...
-
Ano-anong unwritten social etiquette rules ang dapat mong sundin?
Nilbre si Jerome ng kaniyang kaibigan sa isang restaurant. Inorder ni Jerome ng pinakamahal na pagkain doon worth 6k (Para lang sa kaniya yun). Kung ikaw ang nanlibreng kaibigan ni Jerome, ano ang mararamdaman mo? a. Matinding pagnanais na sumabog at magsabi ng masasamang words. b. Mahahabag na...
-
Ano ang 'best piece of advice' na natanggap mo? + Bonus Mailbag!
Susubukan naming sagutin ang tanong ng isa nating letter-sender tungkol sa pagsunod sa "passion" at mga realidad ng buhay. Pag-uusapan din natin ang ilan sa pinakatumatak na payo na ibinigay sa amin. Ikukuwento ni Jerome ang isang di-malilimutang heart-to-heart talk kasama ang kaniyang dating…
more -
Saan ka pinakatakot?
Pag-uusapan natin lahat ng mga nakakatakot na bagay na 'yan. Mga nakakikilabot na dagang-pusa, mga palakang dina-dissect sa biology lab, ang pagtanda nang nag-iisa, maging ang pagkakakulong nang wala ka naman talagang pagkakasala...at siyempre special guest si Kamatayan (sino pa ba?)! Welcome sa...
-
Fact or Fiction: May sense pang bumalik sa office pagkatapos ng pandemic na ito.
Talpakan na naman ng mga ideya at sentimiyento tungkol sa pagbabalik opisina ng ilan sa atin. That's it. That's the tweet.
-
Fact or Fiction: Masamang tumangging maging ninong/ninang.
Para sa episode na ito, ibibida natin ang KK Fact or Fiction. Dahil ilang kembot na lang at pasko na naman, pag-uusapan natin ang sikat na paniniwalang pinoy na ito upang matukoy kung ito nga ba ay mas nalilinya bilang "fact" or "fiction". Bakit nga ba masamang tumanggi sa imbitasyong...
-
Saan ang iyong "Happy Place"?
Masayang kuwentuhan lang tungkol sa mga lugar at karanasan na nagbibigay sa atin ng ligayang walang katulad. :) Kung gusto niyo ring makisali sa aming weekly huntahan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Facebook at Instagram or send us an email at [email protected]. Takits!
-
Paanong nababago ng pera ang buhay mo?
Nag-feeling Francis Kong at Chinkee Tan kami sa episode na ito. Panay kaperahan ang pinag-usapan namin, mula sa mga unang naging sahod namin, mga novena sessions sa harap ng ATM, hanggang sa mga mumunting kaligayahan ng pag-upsize ng drink sa value meal. Bakit nga ba kape ang iniinom ni Jerome…
more -
Mas okey ba kung lagi kang nauuna?
Uunahan na namin kayo. Tungkol ito sa iba't ibang pagtatangka nating makipag-unahan sa laro ng buhay. Bakit nga ba mas mainam na nauuna ka sa pila kapag may nilalakad kang papeles sa kahit na anong ahensiya ng gobyerno? Ramdam mo bang pinagpraktisan ka lang ng unang taong minahal mo? Kumusta na...
-
Ano-anong mga bagay ang nagsisilbing misteryo para sa’yo?
Nagbatuhan kami ng mga tanong na matagal nang bumabagabag sa amin kagaya ng “Paano ba ipinapasok ang mga display na kotse sa loob ng mall?”, “May driving school ba para sa mga LRT/MRT drivers?” at kung “Bakit hindi puwedeng magkatuluyan sina Beauty Gonzales at Paolo Contis?” (Joke lang! Clickbait...
-
Ano-anong mga nauso ang sinakyan mo?
Team Zagu ka ba o Team Orbitz? Parte ka ba ng 1% ng population na di pa nakakapanood ng Game of Thrones? Buhay pa ba yung ipinundar mong air fryer? Nage-gets mo ba yung mga taong gumagamit ng salitang "Scoobs?" Maglagay ka na ng reminder sa Starbucks planner mong mint-condition pa rin hanggang...
-
Kailan mo naramdamang matanda ka na?
Sumasakit na rin ba ang mga kasukasuan mo? Mas trip mo na bang mag-wine kaysa mag-Red Horse or gin pomelo? Nabibigkas mo na rin ba ang mga katagang "eh, kako," "antimano," at "nung araw"? Kung "oo" ang sagot mo sa mga tanong na iyan, eh ano pa ang hinihintay mo? Mag-asawa ka na! Joke! Makinig ka…
more -
Love din bang maituturing ang "puppy love"?
Nabudol ka na rin ba ng mga tula ni Pablo Neruda? Naging spirit animal mo rin ba si Ogie Alcasid? Ano ang pinakanakadidiring bagay na nagawa mo para sa una mong pag-ibig? At kami na lang ba ang gumagamit ng salitang "puppy love"? Kilig na! Este, 'kinig na! Sali na sa aming weekly kuwentuhan!...
-
Excited ka pa bang manood ng PBA?
Magbabalik-tanaw tayo sa mga panahong sikat pa ang PBA --- mula sa miracle shot ni Rudy Distrito kontra Shell noong Game 7 ng 1991 PBA 1st Conference Finals, freethrow shooting form ni "Captain Lionheart" Alvin Patrimonio, at kung bakit masama ang loob namin kapag natatalo ang Ginebra noong…
more -
Obligado ka bang mag-reply sa bawat taong bumati sa'yo ng "happy birthday" sa Facebook?
Basehan nga ba ng tunay na pagkakaibigan ang yearly batian natin sa FB? Tamad lang ba ang mga bumabati ng "HBD"? Nakapag-congratulate ka na ba sa mga kaibigan mong naturukan na ng two doses of Pfizer? Nag-condolence ka na ba sa isang FB friend mo kahit di mo talaga alam kung sino ang namayapa na…
more -
Welcome to Kolorum Klasrum!
101 Questions For The Eternally Kurious!
We're indexing this podcast's transcripts for the first time — this can take a minute or two. We'll show results as soon as they're ready.
No matches for "" in this podcast's transcripts.
No topics indexed yet for this podcast.
Loading reviews...
ABOUT THIS SHOW
Ang podcast para sa mga masyadong matanong at mga masyado nang maraming nalalaman. Ang mga tanong, paminsan mapanghamon (Obligado ka bang mag-reply sa bawat taong bumati sa'yo ng "happy birthday" sa Facebook?); sadyang korni (Love din bang maituturing ang "puppy love"?); at ilan sa mga pinaka-importanteng tanong sa lipunan ngayon (Sa'n mabibili ang pinakamasarap na fried chicken sa Pilipinas?)Samahan sina Rian at Jerome, parehong guro ng komunikasyon at long-time media practitioners, na sagutin ang mga mahiwagang tanong na ito. With Nomer and Jimmy, at iba pa. Kitakits every Wednesday!
HOSTED BY
Kolorum Klasrum
Loading similar podcasts...